Tuesday , January 7 2025
Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption ng 50th Metro Manila Film Festival Best Actress, Judy Ann Santos sa photo collage at video na ipinost niya sa kanyang Instagram account noong Martes.

Anang Queen of Soap Opera na si Juday napakakulay ng mga kaganapan ng kanyang buhay noong 2024. Subalit itinuturing niyang pawang magagandang bagay ang nangyari ng nagdaang taon.

Sinabi ng aktres, “Makulay, napaka-kulay hindi ko alam na maitatawid ko ng bonggang-bongga. Ang daming nangyari pero kdi maganda at the end of the day may learnings. 

“May sakripisyo, may pagod, may puyat, pero lahat iyon ang bumuo ng 2024 ko. ung susumahin ko walang hindi magandang nangyari. Kasi kahit hin

“Ito na iyong exclamation point ng 2024 ko talaga.”

Inihayag pa ni Judy Ann na marami siyang napatunayan sa sarili. “Kailangan lang ako magtiwala sa sarili ko. Kailangan kong paulit-ulit na sabihin sa sarili ko na andito pa rin ako, kaya ko pa rin.”

Kaya naman sa pagpasok ng 2025, nagpahayag na ng excitement ang aktres. Iginiit din niyang hindi kasama sa plano ang paggawa ng pelikulang Espantaho na siya palang magbibigay ng malaking tagumpay sa kanya. 

“2025 I’m excited kung ano pa ang pwedeng mailatag ng 2025 sa akin. 

“‘Espantaho’ wasn’t plan. Hindi talaga siya part ng plano ko for 2024. Bumase lang ako sa kung anong pakiramdam ko, sa kung anong gut feel ko sa pelikulang ito. 

“So I guess, 2025 would pretty much be like 2024. 

“I will not plan, because God has the Greatest plan of all. Nasa iyo lang iyan kung paano magkakaroon ng tiwala eh. ‘Yung faith ko ang hindi tumitiwalag sa akin.” 

Sinabi pa ng itinuturing na Reyna na kung saan siya dadalhin ng 2025 ay susunod lamang siya. Kasabay nito’y pinasalamatan niya ang mga taong nakasama niya sa taong 2024.

 “Hindi ako magpaplano. In-enjoy ko ang proseso, in-enjoy ko ang bawat taong nakasama ko, bawat bagong taong nakilala ko. Nakaukit na sila sa puso ko. Ang dami kong ginawa ngayong taong ito na hindi ko naisip na magagawa ko so I will leave it all up to the Lord.”  

Bago ito’y emosyonal si Juday nang manalong best actress sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal para sa horror movie niyang Espantaho ng Quantum Films

“Hindi ko pa rin maipaliwanag. Sa totoong salita, napaka-surreal pa rin ng mga pangyayari sa ’kin.

“Sa lahat ng awards night sa maniwala man or hindi, may parte ng puso mo na hindi ka maniniwala pero may parte ng puso mo na kumakapit na sana,” ani Juday sa isang video na ipinost niya sa social media.

“Ang cliche sabihin na mapabilang ka sa history ng MMFF 50, ‘yun pa lang ang sarap ng pakinggan. Pero makapag-uwi ka ng award na ganito kabigat in this historic MMFF, walang kapantay, walang kapalit. It’s so good to  be part of this history.”

Taong 2019 nang magwaging best actress mula sa pelikulang Mindanao si Juday at 2006 sa pelikulang Kasal, kasali, Kasalo sa MMFF.

Samantala, naihayag kamakailan ni Juday na masaya at kuntento siya sa kanyang personal life at nagpapasalamat siya sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo na suportado siya sa kanyang career.

Dalangin na lamang niya na magkaroon ng magandang future ang kanilang apat na anak.

“Ang dasal ko gabi-gabi, for our kids to have a better future. Chance for a better life at magkaroon ng option in life at makita naming mag-asawa kung ano ang propesyon nila kapag matatanda na sila,” aniya.

Solid na solid naman ang kanilang relasyon ni Ryan. Aniya, “Parang sa pundasyon naman ng pagkakaroon ng asawa, maraming pwedeng mangyari na blindsided ka. Pwedeng ngayon, okay na, okay kayo.

“Sa susunod na buwan, may pagdaraanan kayo. Para sa akin, as long as may trust kayo sa marriage niyo, may communication kayo and you respect each other’s time and pagkatao.

“At kung ang center ng pagmamahalan niyo ay ang isa’t isa at ang Panginoon, anchored kayo properly. At saka feeling ko, importante rin na may sarili kayong ginagawa on the side.

“Hindi pwedeng araw-araw, kayong dalawa na lang basta at the end of the day, tayo pa rin. Basta may faith kayo sa isa’t isa,” wika pa ni Judy Ann.

Palabas pa rin ang Espantaho sa lahat ng sinehan nationwide. At bukod kay Judy Ann kasama rin dito sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Mon Confiado, Janice de Belen, JC Santos, Dona Cariaga. Handog ng Quantum Films, Cineko Productions, at Purple Bunny Productions.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …

Moira dela Torre

Moira lumamlam na ang career, binitiwan na ng Cornerstone

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTATAKA ng mga netizen ang tila paglamlam ng career ni …