Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED R
ni Rommel Gonzales

BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at ang buong pamilya niya, ang mga magulang niyang sina Sylvia Sanchez at Art Atayde, at mga kapatid niyang sina Ria, Gela, at Xavi.

Ang pagkakakilala namin kay Arjo ay tipikal na bagets, estudyante, pero noon pa ay nais na niyang mag-artista.

Matulungin sa kapwa noon pa, pero wala sa isip niya na maging public servant.

Kaya nagulat kami noong nalaman namin na tatakbo siyang Congressman ng 1st District ng Quezon City… at nahalal!

Pero noon, kahit alam namin na nais niyang mag-artista, hindi namin inasahan na magiging magaling siyang aktor.

Madalas nga naming self-baloon noon, parang walang magmamana sa husay ni Sylvia bilang artista.

Kaya naman ginulat kami ni Arjo na nang nagsimula na sa pagsabak sa akting, aba, napakahusay!

Lalo rito sa pelikula niyang TOPAKK na ang karakter niya ay bilang si Miguel Vergara na survivor ng giyera at may kondisyong PTSD o Post Traumatic Stress Disorder.

Ni isa sa mga dinanas ni Miguel sa pelikula ay hinding-hindi naranasan ni Arjo sa tunay na buhay pero buong husay at napakagaling niyang naiarte.

Kaya naman natutuwa kami na as early as now ay naihahanay na siya sa mga batikang aktor tulad nina Aga Muhlach, Dennis Trillo, at Piolo Pascual.

Ang edge pa ni Arjo, habang umaakting ng napakabigat at matindi ay nakikipagbarilan at nakikipagbubugan sa kalaban.

And Arjo delivers both at his best! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …