Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bryan Dy Uninvited Vilma Santos Aga Muhlach Nadine Lustre Mentorque

Mentorque produ Bryan Dy masidhi sa paggawa ng pelikula

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBA rin mag-alaga talaga ng mga artista niya itong maituturing na bagong dugo pagdating sa pagpo-produce na si Bryan Dy ng Mentorque Productions.

Masidhi at marubdob ang passion niya sa pinasok na mundo. And he leaves no stone unturned every step of the way.

Nang una siyang sumabak sa pelikula, while learning the ropes of producing, ‘sangkaterbang hamon na agad ang kinaharap nito. Pero sa tuwing kakailanganin ang ibayong pagkilos niya, he steps a notch higher.

Hanggang nakaalagwa na on his own.

At ngayon ang pangarap niya na magawan ng isang matinding proyekto ang idolo at “boss” niyang Star for All Seasons na si Vilma Santos ay naganap na sa Uninvited.

Sabihin na ngang Bryan moved heaven and earth para lang mapa-oo si Ate Vi sa proyekto. At sinuportahan din siya ng boss niyang si Senator Ralph Recto para kay Ate Vi.

Nagawa ang pelikula. Napasok pa sa 10. Kalahok sa 50th anniversary ng MMFF2024 (Metro Manila Film Festival).

Rated R-16 ng MTRCB ang pelikula. Pero binigyan naman si Bryan ng desisyon kung gusto niyang bawasan ang mga eksenang nagsusog para humantong sa nasabing rating.

Firm si Brian. Na walang gagalawin sa mga eksenang sa paniwala niya ay hindi pwedeng makawala sa  kabuuan.

“Nothing can be compromised. The decicion was made out of respect for the incredible performances of the whole cast. As it’s executive producer, I take pride in creating films that challenge conventions, elevate the craft of Filipino filmmaking and stay true to the stories we aim to tell. So, while the MTRCB has given it a rating of 16 classification, we stand firm in our decision not to compromise the integrity of our film by cutting any scene to achieve a lower rating.”

Naniniwala si Bryan na handa na ang  mga manonood “for bold, uncompromised storytelling that pushes boundaties and sparks meaningful conversations.”

Alam at ramdam ni Brian na isang maipagmamalaki na namang pelikula sa buong mundo ang ihahain niya sa pagkakataong ito.

The movie is about  a loveable mother. Isang inang gagawin ang lahat para sa anak, para sa hustisya sa anak. Na kayang gawin ang lahat para sa anak. Sukdulang pumatay!

Ito ang sindak ng Kapaskuhan sa puso ng isang namimighating ina.

It is the star herself who created the story of the grieving mother. 

Istorya niya ito. Sa kanya galing. She just wanted to create a film. At ito na ‘yun. Kung ano ang gusto niya. Nabuo. Binuo. Ginawa. At ibinigay namin ang lahat!”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …