Monday , December 23 2024
Offload

Offload direktor na si Rommel Ricafort, saludo sa husay ni Allen Dizon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGUMPAY ang ginanap na special screening ng pelikulang Offload sa Gateway Cineplex, Cubao noong December 9.

Ang pelikula na isang suspense-thriller ay mula sa pamamahala ni Direk Rommel Ricafort. Under ng RR Entertainment Production and Echo Film Productions, tampok dito ang award-winning actor na si Allen Dizon, kasama ang Kapuso actress na si Angel Guardian.

Sa aming panayam kay Direk Rommel, inusisa namin kung paano niya ide-describe ang movie nilang Offload?

Aniya, “Simpe lang naman ang istorya, napakapamilyar sa mahilig manood ng ganitong klaseng pelikula. Pero madugo, nakakakilabot, hindi mo gustong makita ang ibang eksena at hindi pambata.

“Iyong original version po nito, maaaring naging R-18 or X. Pero marami kaming tinanggal sa pangalawang bersiyon. Aabot sana ito ng dalawang oras kompara sa isang oras at kuwarenta minuto lamang. Naging malaya rito sa pagpapakita kung paaano nilalaslas ang mga leeg, pinuputol ng gulok ang mga paa ng mga bihag at mga pagtatalik ng mga kulto sa kama.” 

Esplika pa ni direk Ricafort, “Noong isinusulat ko po kasi itong Offload, isinantabi ko muna yung salitang bawal makita o ipakita. Ang una kong naisip, ano ba ang mangyayari kung ang mga kulto ay grupo ng mga may mga malubhang kondisyon sa pag-iisip? Gaano ba sila kabayolente?

“Binigyan ko ang manonood ng pelikula at nanood ng kalayaang mag-isip at paganahin ang kanilang imahinasyon sa bawat eksena ng Offload, lalo na sa bandang huli ng pelikula.

“May nagawa akong action film, romance, may ginagawang super natural at gagawing historical fiction. Pero ito pong Offload, pakiramdam ko po ay naging malaya ako sa biswal, mga naging salita sa bawat eksena at pagkilos kung paano sa totoong buhay.” 

“Hindi rin ito naging madali kung hindi sa ibinigay ng mga executive producers, co-producers na buong-buong suporta, lalo na sa mga taga- Pampanga, ang Pampanga Offroaders Eagles Club, at ang napakalaking suporta rin na ibinahagi ni Capt. Glen Daraug ng Philippine Coast Guard. Gayondin sa aking sariling club na Marikina Valley Offroaders Club. Na  nagsimula ang ideya na gawing pelikula ang aking naisulat. Ang Offload ay may tagline na: Heal or Kill,” Mahabang dagdag pa niya.

Ano ang masasabi niya sa casts, lalo na kay Allen?

“Down to earth sila. Praktikal… Mahirap ang lugar ng pinag-shootingan. Malalayo ang mga distansya. Hindi kakayanin ng ordinaryong sasakyan lang, kailangan po ay 4×4 na SUV o Pick Up.

“Karamihan sa amin naging tan ang balat dahil sa init ng araw. Sa isang Allen Dizon, hindi na po ako magtataka kung bakit naging Hall of Famer siya. Napaka-gaan niyang katrabaho, kahit minsan bakas sa mukha ko ang pagka-sungit dala nang pagod at init, wala siyang reklamo. Dahil alam niya ang salitang disiplina at may tiwala siya sa layunin namin para sa pelikula.

“May focus, hindi siya nagpapadaig sa interuptions habang nagbibigay ako ng instructions. Ang kahanga-hanga pa, gagayahin niyang mabuti kung paano ko inarte sa harapan niya ang gusto kong gawin ni Allen sa eksena.

“Hindi siya naging Allen Dizon (sa pelikulang ito), siya’y tunay na Capt. Ryke (papel ni Allen sa pelikula). Hindi siya nalalayo sa pagiging dedikado at madisiplina ng mga Oppa, na naging artista ko sa South Korea.” 

Ipinaliwanag din ni Driek Rommel kung bakit wala si Allen sa special screening nito. “Matagal na pong mayroon schedule sa iba si kuya Allen sa araw ng special screening ng Offload sa Gateway Cineplex, Cubao.

“Napagdesisyonan po kasi ng mga EP na mag- stick na lang ng December 9. Tutal, naroon naman si Kuya Allen noong ipinalabas ang Offload sa SM Pampanga noong November 29 at doon rin ang kauna-unahang naipalabas ang pelikula sa isang sinehan.

“Karamihan din po kasi sa nagsuporta sa pelikula at kay kuya Allen ay mga taga-Pampanga, lalo na ang Pampanga Offroaders Eagles Club na isa siyang pangulo ng club.”

Nabanggit din ni Direk Rommel ang plano sa kanilang movie. “For sale po ang pelikula. Kaya po ako madalas sa abroad sa ilalim ng suporta ng Film Development Council of the Philippines para po maging laman ng mga kilalang Film Market at makakuha ng mga distributors mula sa iba’t ibang bansa.

“Sa ngayon nagkaroon lamang po tayo ng special screening. Ang layunin po nito, para mapanood ng mga executive producers, mga kamag anak, mga artista, mga naging crew, at mga kasapi sa aming brotherhood sa Eagles (TFOE).”

Kasama rin sa Offload sina William Lorenzo, Vance Larena, Jun Nayra, Ava Mendez, Marc David, Ayeesha Cervantes, Andrew Gan, Raymond Mabute, Zia Zamora, Rap Robes, Karren Galang, at iba pa.

About Niño Aclan

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …