Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPAT
ni Mat Vicencio

NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating Chairman at ngayon ay kagawad Nelson Ty sa Binondo, kung saan makikita ang tinaguriang Chinatown ng Maynila.

Sa isang salo-salo breakfast na isinagawa sa Café Mezzanine/Eng Bee Tin kamakailan, isang masayang bonding ang naganap nang ipinatawag ni Yorme si Nelson at makaharap sina Chi Atienza, Jay dela Cruz, Tol Zarcal, Mocha Uson, Apple Nieto, at Cris Tagle.

         Sa nasabing masayang kuwentohan, sinabi ni Nelson na ipinangako ni Yorme na higit nitong pauunlarin ang Binondo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng negosyo kasabay ng pagsuporta ng turismo sa Chinatown.

         Hindi rin nakalimutan ni Yorme ang usapin sa mahigpit na pagpapatupad ng peace and order na siyang kabalikat para sa pag-unlad ng mga negosyo sa Chinatown at sa kabuuang Binondo.

At walang alinlangan si Nelson sa naging pahayag ni Yorme. Bilang dating barangay chairman, naranasan ni Nelson kung papaano namuno nang maayos si Yorme sa Maynila.

         “May political will si Yorme at mabilis umaksiyon lalo na kung kapakanan ng mahihirap at inaapi ang nakataya,” mariing pahayag ni Nelson.

         Saksi si Nelson sa mahigpit na pagpapatupad ni Yorme ng disiplina sa Maynila. Hindi malilimutan ni Nelson nang “linisin” o “alisin” ni Yorme sa kanyang barangay na nasasakupan ang isang “maliit na puwesto” na lagayan ng mga gamit ng bombero na maituturing na nakaharang o obstruction sa kalye.

“Tama si Yorme at naniniwala naman ako sa ginawa niyang pagpapatupad ng batas,” giit ni Nelson.

Kaya nga, masasabing maganda ang naging bonding nina Yorme at Nelson, at maraming umaasa na sa kanilang pagtutulungan higit na maisusulong ang interes ng nakararaming kapos at higit na  nangangailangang mga Manileño lalo na sa ikatlong distrito ng Maynila.

Sabi nga ni Nelson, saludo ako sa grupo ni Yorme.  Salamat sa pa-almusal!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …