Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. ang mga personal na bagay. 

Lalo at may tema ang kanyang nasa ikatlong season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA-7 sa relasyon ng mag-asawa.

Hindi naman maitatanggi na lapitin ng mga tsikas ang action star. At hindi lang ilang beses siyang naiugnay sa maraming babae na ang iba ay naging leading lady pa niya.

Nasagot naman nito ang tanong para sa pa-Christmas party at thanksgiving na rin sa mahal niyang press people kamakailan.

Dahil ang karamihan naman sa mga dumalo ay ang members ng media na naging malapit na rin sa puso niya sa mula’t mula, hindi na ikinaila nito na, “Alam lahat ni Lani…” ang mga bagay na sinentruhan ng mga intriga sa kanya noon lalo at mga babae ang pag-uusapan.

But as time went on, sa pagsasamang hindi bumitiw ang tunay na matinik na misis niya, lalo lang umusbong ang pagsasamang  naging  huwaran.

Kaya rin siguro kahit ano pa ang mangyari, pagdating naman sa karera nito bilang action star, lalo ring umiigting ang pag-ariba ng biyaya sa kanya.

Sa nasaksihan ng press sa trailer ng kanyang palabas na mapapanood tuwing Linggo simula sa ika-22 ng Disyembre 2024, walang magsasabingtapos na ang era ng isang Bong Revilla.

Tumatalon. Duma-dive sa ere. May underwater scenes. At siyempre ang pisikalan sa pakikipagbakbakan.

Bumagay ang partner niyang si Beauty Gonzales sa tandem nila sa hindi tinatantanan ng manonood ng serye. May kudlit na komedi sa serye na  buma-balanse sa ikot ng buhay ng pulis na si Tolome.

Para sa buong cast, halos lahat eh, nagsabing wala naman talagang ander de sayang asawa. Lalo sa parte ng lalaki. Lalo na kung ang pagmamahalan, pagbibigayan at pagsusunuran ang isinasaalang-alang.

Ipinadama ni Bong ang pagmamahal sa press sa pagpapaulan ng cash sa ibinahaging raffle. Kaya, walang umuwi ng luhaan sa  araw na ‘yun.

Walang kahon. Puro sobre. Kaya alam mo na na ten-fold ang magiging balik nito sa kanya!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …