Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sole probe vs Ma’am Arlene mas gusto ng SC (Walang tiwala sa NBI)

IPINAWALANG-BISA ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang utos ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes P. Sereno na imbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinasabing  fixer sa korte na isang Ma’am Arlene.
Nagpasya ang mga mahistrado na ang SC en banc na ang magsagawa ng imbestigasyon sa  paglutang ng pangalang Madam Arlene na sinasabing malakas ang impluwensiya sa hudikatura o tinaguriang “court fixer.”

Sa ginanap na en banc session ng mga mahistrado nitong Oktuber 17,  nagtalaga ng  committee na pamumunuan ni SC Associate Justice Marvic Leonen ang imbestigasyon sa kontrobersiya.

Kaugnay nito, ipinag-utos ng SC en banc na pagsama-samahin  ang lahat ng  resulta ng mga ginagawang parallel investigation  hinggil sa naturang usapin at isumite  sa komite na pinamumunuan ni Justice Leonen.

Kabilang sa mga nag-iimbestiga ang  Office of the Court Administrator na pinamumunuan ni Jose Midas Marquez, ang DoJ-NBI probe at maging ang imbestigasyon ng Court of Appeals na iniutos ng Presiding Justice.

Noong nakaraang linggo, unang hiniling ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Justice Secretary Leila de Lima ang tulong para imbestigahan ang sinasabing Arlene.

Sa kautusan kamakailan ni Sereno, dapat maisailalim sa “lifestyle check” ang mga judges at court employee.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

Bomb Threat Scare

Empleyado ng NAIA tiklo sa ‘bomb joke’

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang empleyado ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos …