Wednesday , May 7 2025
Aicelle Santos Nora Aunor Ricky Lee Isang Himala

Ate Guy may pasabog sa Isang Himala; Aicelle Santos kinilig

NAPATULALAang karamihan sa mga dumalo sa grand mediacon ng Isang Himala nang magpa-unlak ng isang awiting mapapanood sa pelikula. Napakagaganda kasi ng boses at ang gagaling naman talaga.

Hindi naman makukuwestiyon ang galing sa pagkanta ng mga bahagi sa Isang Himala dahil mga artista rin sila sa teatro. Maging ang bidang si Aicelle Santos on cue ang pagpatak ng luha matapos iparinig ang isang kanta.

Si Aicelle ang masuwerteng napili ng Kapitol Films, UXS (Unitel Straight Shooters Media Inc.), at CreaZion Studios na gumanap sa iconic role na Elsa na unang pinasikat ni National Artist Nora Aunorsa original movie version nito.

“I think we have something new to offer being the only musical among the ten entries,” ani Aicellesa grand mediacon ng pelikula noong December 4.

Ani Aicelle maituturing niyang isang himala ang pagkakapili sa kanya na magbida sa new version ng classic film ni Nora Aunor.

“May cultural and historical significance po ang ‘Isang Himala’ dahil base ito sa classic film ng ating mga National Artist,” sabi pa ni Aicelle.

Excited naman ang isininagot ni Aicelle nang maurirat kung may pressure ba ang pagbibida sa Isang Himala lalo’t ito ang kauna-unahan niyang pagbibida sa isang pelikula at lalaban pa sa taunang filmfest.

Mas gusto kong gamitin ang salitang excited. Mas excited po ako kasi ang hirap isipin ‘yung pressure. Nakatatakot ‘yung word na pressure.

“I just know the feel that if we all enjoyed the process, we all enjoyed the filming of ‘Isang Himala,’ kung anuman ang outcome nito, alam ko na we all did our best at alam ko na mayroon kaming mensaheng dala-dala para sa ating manonood.

“At doon namin gustong hugutin ‘yung aming joy and excitement more than the pressure,” sabi pa ng singer-actress.

Sa kabilang banda pasabog ang special participation ni Ate Guy sa Isang Himala. Ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang mismong nagbahagi nito. Subalit hindi niya sinabi kung ano ang magiging role ni Nora sa pelikula. 

Tanging boses pa lamang ni Nora ang narinig sa official trailer ng Isang Himala.

Showing na sa December 25 ang Isang Himala sa lahat ng sinehan nationwide at kasama rin dito sina Bituin Escalante, Floyd Tena, David Ezra, Neomi Gonzales, Kakki Teodoro, Vic Robinson, Joann Co at marami pa. (Maricris Valdez)

About hataw tabloid

Check Also

Ali Asistio

Vivamax actor Ali Asistio walang limitasyon sa paghuhubad 

MATABILni John Fontanilla MASUWERTE ang si Ali Asistio dahil sunod-sunod ang pelikulang ginagawa niya sa Vivamax. Kasama si Ali …

Nick Vera Perez Parte Ng Buhay Ko

Nick Vera Perez abala sa promosyon ng ikaapat na album 

NASA bansa ngayon si Nick Vera Perez para sa kanyang ikaapat na album, ang all-original at all-new OPM …

Kiray Celis Mother P1-M Van

Kiray brand new van iniregalo sa ina (pagkaraang magbigay ng P1-M)

MATABILni John Fontanilla NAPALUHA ang ina ng actress/ businesswoman na si  Kiray Celis sa sorpresang ibinigay nito …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …