Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Judy Ann Santos

Juday naiintindihan pagtanggi ni Ate Vi — May ibang materyal na puwedeng pagsamahan

MARICRIS VALDEZ

MAY perfect project na mas meant para sa amin.” Ito ang tinuran ni Judy Ann Santos ukol sa naudlot nilang pagsasama ni Vilma Santos. 

Paliwanag ni Juday nang matanong ukol sa desisyon ni Ate Vi na mas pinili ang pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions, hindi naman ito nanghinayang.

Ani Juday sa isinagawang mediacon ng Espantaho na pinagbibidahan nila ni Lorna Tolentino handog ng Quantum Films kahapon na isinagawa sa Novotel, “Naniwala ako sa sinabi ni Ate Vi na may perfect project na mas meant para sa amin.

At naiintindihan ko talaga siya.”

Pagbabahagi pa ng aktres, tama ang naging desisyon ni Ate Vi.

“When I saw the trailer of ‘Uninvited’, tama lang na ‘yun ang ginawa niya. Dahil ibang element ‘yun compared sa ginawa niya last year sa MMFF.

“Hindi naman ako nanghinayang, dahil naniniwala ako sa sinabi niya na may iba pang materyal na puwede naming pagsamahan, na mas applicable para sa amin.

“Kaya ‘wag nating ipilit kung hindi naman talaga meant, hindi ba? Imbes na mag-work, baka lalong mas maging questionable pa.

“So, tama lang ‘yung naging desisyon niya.”

Sa pelikulang Espantaho na idinirehe ni Chito Rono at isinulat ni Chris Martinez, maghanda para sa isang hindi malilimutang cinematic experience.

Isang nakagigimbal na horror-drama ito na tiyak mamarkahan ang pagbabalik ni Judy Ann sa big screen pagkalipas ng limang taon. 

Ang Espantaho ay naghahatid ng nakatatakot na kuwento ng pag-ibig, pangangaliwa, at misteryo.  Sa pelikulang ito’y muling magsasama sina Lorna Tolentino at direk Chito, na unang nagkatrabaho sa Narito Ang Puso Ko(1992) at sa matagumpay Patayin Sa Sindak Si Barbara (1995).

Bukod kina Juday at LT makakasama rin nila ang mga kinikilala at mahuhusay na artista na sina Chanda RomeroJanice de Belen, Mon Confiado, JC Santos  Nico Antonio, Donna Cariaga, Tommy Abuel, Archie Adamos, at Eugene Domingo

Kasama rin ang award-winning child actor na si Kian Co na nagpakitang gilas sa pelikula at sinasabing posibleng makapagbigay na naman ng karangalan sa batang aktor.

Samantala,umaasa si Juday na tatangkilikin ng publiko ang kanilang pelikulang Espantaho.

Siyempre gusto natin ma mag-box-office hit at kung pwede nga magka-award, bonus na ‘yun. Pero bilang co-producer, gusto ko namang makabawi.

“Pero napakaganid ko naman kapag sinabi ko dapat pareho. Sa ngayon, gusto ko na kumita ang ‘Espantaho’ para makagawa pa nang mas maraming pelikula si Atty. Joji at si Direk Chito ay ma-inspire lalo na gumawa ng pelikula.”

Ang ganda kasi ng experience na ito at sana ma-experience rin ito ng iba pang artista, lalo na ang mga bago..

“Kasi itong set na gugustuhin mo na mapuntahan dahil sa professionalism nila.  Ito ‘yung sistema na kailangan mong makita, this is how you work in this industry, kailangan maging professional.”

Mapapanood ang Espantaho sa mga sinehan simula December 25 nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …