Sunday , December 22 2024
Yhanzy Blvck Music Louie Cristobal Grace Cristobal

Singer, rapper, songwriter Yhanzy may bagong digital album mula Blvck Music

KAHANGA-HANGA ang patuloy na pag-aambag ng Blvck Entertainment Production, Inc. at Blvck Music sa OPM Hip-hop scene dahil inilalabas nila ang bagong digital album ng promising rapper/singer/songwriter na si Yhanzy, ang Something Yhanzy.

Nagmula si John Syrone Elesterio aKa Yhanzy, sa Sucat, Paranaque na isang melting pot ng mga Hip-hop artist. Nagsimula siyang kumanta noong 2011, na inspirasyon ng kanyang ama na isang tunay na musikero sa puso. 

Sabi nga ni Yhanzy, nagpapasalamat siya kay Jerome Paycana na nagturo sa kanya sa songwriting at performing. Noong 2015, naging miyembro siya ng isang rap group, ang Musikalye na nagbigay ng mga hit sa YouTube tulad ng Napagod Na, Takot Na Ang Puso, at Sana Ako Parin

At mula sa kanyang sarili, ini-release niya ang mga kantang Paulit-Ulit, Hangganan at Kung Di Ka Dumating. 

Ang una niyang pagpasok sa mainstream TV ay sa pamamagitan ng It’s Showtime segment na “

HypeBest noong 2018, isang kompetisyon para sa mga Pinoy rapper, na siya ay nagtapos bilang semi-finalist.

Maituturing namang best year kay Yhanzy ang 2024 dahil nagmarka ng isang milestone para sa kanya nang ilabas ang kanyang Something Yhanzy digital album sa ilalim ng Blvck Music. Kasama rito ang carrier single na Liwanag ng Buwan awiting nagpapahayag ng pag-ibig sa magiging kapareha. Ang iba pang mga track sa album tungkol sa iba’t ibang uri ng pag-ibig, tulad ng Comebuck, Feb 13 (featuring Kritiko), Aasa Ba?, Mahal Ako, at Trap ng Luha.

Sinabi ni Yhanzy na gusto niyang makapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan sa kanyang sariling paglalakbay sa industriya ng musika. Nais niyang hikayatin ang mga batang performer na ituloy ang kanilang mga pangarap at laging maniwala na walang imposible sa pagsisikap, dedikasyon, at pagtitiwala sa Diyos.

Sa kabilang banda, malakas ang paniniwala ng Blvck Music Executives na sina Engineers Louie at Grace Cristobal na malakas ang potensyal ni Yhanzy at alam nilang gagawa ng pangalan para sa sarili bilang songwriter at performer. 

Ang Something Yhanzy ay mapakikinggan na mga music streaming platform at ang Liwanag ng Buwanmusic video, na idinirehe ni Edrex Sanchez, ay maaaring i-stream sa pamamagitan ng YouTube at ginawang posible ng Alkaviva Waters Philippines, GLC Infinite Waters International Co., Grace Electronics Philippines, Blue Green Dragon Marketing, LG Realty Development at Blvck Creatives Studio.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …