Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa internet sa isang coffee shop sa Makati. Mukhang pagod na pagod dahil galing daw sa isang mahabang biyahe at siya mismo ang nagmaneho sa mga kliyente niya sa real estate at mga kotse na siya naman niyang trabaho talaga. 

Ang nangyari naman sa kanya ay nakilala nga niya si Direk, at dahil pogi naman talaga, inalok siyang maging artista, pumayag naman siya agad. Isinama siya ni direk sa isang gay internet series at napansin naman siya agad ng mga tao dahil pogi naman talaga. Tapos niligawan na siya ni direk, na sa kanya ay ok lang naman. Medyo liberal na kasi ang takbo ng isip ng bagets. 

Sa sumunod na serye ay binigyan siya ng mas mahabang role, kaya mas napansin siya ng mga tao at nagkaroon na ng fans. Sa sumunod na assignment siya na ang bida sa serye, na lalong nagparami sa kanyang mga tagahanga. Bukod naman kasi sa pogi magaling din siyang umarte.

At dahil bida na nga nabigyan siya ng publisidad kahit na puro sa social media lang. Pero  bigla raw sinabi ni direk na dahil napasikat na naman siya, dapat mas pagbigyan na niya iyon. Hindi lang naging malimit ang kanilang dates, gusto pa siyang gawing girl ni direk. Doon daw hindi na siya pumayag dahil ang feeling niya pambababoy na iyon sa kanya.  Alam niya disappointed si direk dahil sa sumunod na project, binigyan lang siya ng isang maliit na kontrabida role, at ang ginawang bida ay ibang male star na payag sa gusto ni direk after the shoot. Sa sunod pang project, may kinuha na namang mga baguhan si direk at hindi na siya kasali.

Kaya ang ginawa niya, binalikan na lang niya ang dati niyang trabaho bilang ahente ng mga second hand cars at real estate. At least nga naman masasabing marangal ang kanyang hanapbuhay at hindi niya lubusang kinalakal ang kanyang katawan at pumayag na lubusang maabuso para kumita lang ng pera. Dapat talaga matigil na iyang mga sexual abuse na ganyan eh. Pero ayaw naman niyang magdemanda, “dahil nakahihiya rin naman para sa akin iyon, at ano ang magiging reaksiyon ng girlfriend ko kung malalaman niyang pumatol ako sa ganoon? May karma naman eh, at saka bayaan mo na lang iba ang magreklamo sa kanya,” sabi ng male star. At least nakatakas na nga naman siya sa ganoong buhay.        

Iyon din namang male starlet na ipinalit ni direk sa kanya, nilayasan na rin si direk dahil sumama sa isang high government official at isang tv personality na nagbigay sa kanya ng bahay at lupa at isang magarang luxury car.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …