ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa mga dancer na newcomer na kakabiliban talaga kahit newbie pa lang. Dahil dito, kinalaunan ay binansagan siyang Supremo ng Dance Floor.
Mula sa pagiging dancer, pinagsabay niya ang pagiging aktor na rin at lumabas sa ilang TV shows.
Kabilang kami sa natuwa nang dumating ang kanyang biggest break sa TV at naging parte siya ng TV series na The Broken Marriage Vow ng Kapamilya Network. Tampok dito ang mga bigating stars na sina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Joem Bascon, Bianca Manalo, Angeli Bayani, at marami pang iba,
Nauna rito, nagkaroon si Klinton ng maliit na part sa Sandugo na pinagbidahan naman nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.
Anyway, nakilala nga namin si Klinton noong totoy pa lang siya, although mukhang bagets pa rin ngayon, pero middle of this year ay malaking achievement niya ang makapagtapos ng kolehiyo.
Kahit pasulpot-sulpot sa mga showbiz projects, nagawa niyang maka-graduate sa Trinity University of Asia sa kursong BSBA major in Marketing Management. Kaya naman proud na proud ang mga taong nagmamahal at malapit kay Klinton, lalo na ang nagsilbing guardians niya na sina Ann Malig Dizon at Haye Start.
Recently ay natiyempuhan ko ang guesting ni Klinton a couple of months ago sa show nina Katotong Fernan de Guzman at Direk Joey Austria na EPAL (Eto Pala Ang Latest!) sa DWAN 1206 am.
Dito’y nalaman namin na bata pa lang pala ay hilig na niya talaga ang pagsasayaw.
Kuwento niya kina Ms. F at Direk Joey, “I started dancing po, way back, siguro seven years old ako, then after po niyon ay parang napasok ako sa isang modelling agency. Tapos ang nangyari po, mayroon silang dance group doon at doon na po nagtuloy-tuloy talaga ang journey ko sa pagsasayaw po. Bata pa lang po ako, hilig ko na po talaga ang pagsayaw, sobra.
“Kumbaga, dito ko po kasi talaga nailalabas ang emotions ko whenever I’m sad, I’m stressed… Parang isinasayaw ko lang po siya, pagkatapos niyon ay tapos na, okay na po ako.”
Nabanggit din ni Klinton na ang hinahangaan niya sa pagsasayaw ay ang Kapuso actor na si Mark Herras.
Aniya, “Most of the time na nakukuha kong compliments po, parang Mark Herras daw po talaga. Tapos nang napanood ko nga po siya, talagang swabe po, kahit sobrang basic lang po ng steps niya, ang lakas ng angas niya.
“Iyon po talaga ang importante sa pagsasayaw, iyong angas po talaga.”
Last month ay napanood si Klinton sa concert ni Sephy Francisco sa Viva Cafe. Nagpa-sample ng dalawang special dance number si Klinton dito at as usual, patok ito sa audience.
Kahapon naman, napanood ko ulit si Klinton sa FB, kasama siya bilang isa sa dancers ng Manoeuvres Ignite sa star-studded na prod number sa Kapamilya ASAP Live featuring sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino (if I’m not mistaken) at Regine Velasques.
Astig ang production number na ito, kaya kudos kay Klinton at sa rest ng Manoeuvres Ignite.
Ayon sa Tita Haye ni Klinton, nagte-training si Klinton sa Manoeuvres Ignite every Wednesday at siya ay new member dito.