Tuesday , January 7 2025
Sarah Discaya

Pasaring ni Mayor Vico sinagot ni Ate Sarah para sa Pasigueños
“12 DAYS OF XMAS” FREE CONCERT, AYUDANG TULOY-TULOY, 5-KILO RICE KADA PAMILYA BILANG PAMASKONG HANDOG“

“TWELVE Days of Christmas” free concert at tuloy-tuloy na ayuda sa maralitang Pasigueños ang naging tugon ni mayoralty aspirant Sarah Discaya sa mga pasaring ni Mayor Vico Sotto kung sino ang nasa likod ng mga mapanirang balita laban sa alkalde.

“Wala kaming kinalaman at lalong wala kaming panahon sa mga isyung negatibo na ipinahihiwatig ng butihing alkalde na gawa namin… kasi abala kami sa pagbibigay ng tulong sa kapos-palad nating kababayan… at kung paano natin sila mapasasaya ngayong Kapaskuhan,” pahayag ng kampo ni Discaya.

Reaksiyon ito ni Sarah Discaya, na kilala sa tawag na Ate Sarah, sa sunod-sunod na pasaring ng alkalde na ang kampo ng kanyang makakalaban sa 2025 elections ang umano’y nagpapakalat ng mga fake news sa social media laban sa kanya.

Nauna nang nagpakalat ng bintang si Sotto na ang kabilang kampo, na pahiwatig n’ya kina Discaya, ay nagbibigay umano ng P1 milyon sa tao na lalantad upang siya ay siraan.

“Lubos kaming naniniwala sa kasabihan na kapag pinukol ka ng bato ay tinapay ang ipukol mo pabalik,” paliwanag ni Discaya sa kanilang naging tugon sa mga pasaring ni Sotto laban sa kanila.

Aniya, maraming magagandang bagay na dapat atupagin sa araw-araw ang sinomang nais maglingkod sa komunidad at tumulong sa kapuwa kaysa magpakalat ng paninira na walang basehan.

Sa talaan nitong nagdaang mga linggo ng St. Gerrard Charity Foundation, na pinangangasiwaan ng pamilya Discaya ay libo-libong mga Pasigueño na ang nabiyayaan ng iba’t ibang ayuda gaya ng chairs, tables, kilo-kilong bigas at palugaw ng Kusina ni Ate Sarah.

Free medical checkup, mga gamot at wheelchair sa lingguhang medical mission ng Team Sarah.

At mayroon ding version ang Team Sarah ng Pamaskong Handog na limang kilong bigas bawat pamilyang Pasigueño.

Itong panahon ng kapaskuhan ay ibinalita rin ni Discaya ang espesyal na handog ni Ate Sarah na free live concert para mabigyan ng kasayahan ang kanyang kababayan.

“Dahil ayaw tayong bigyan ng City Hall ng permit sa Arcovia para sa Christmas special na handog ni Ate Sarah na free concert kaya magpapa-concert na lang si Ate Sarah sa kanilang pribadong lugar araw-araw sa loob ng 12 araw  na iba’t ibang artista ang magpe-perform sa bawat araw at mapapanood ng mga Pasigueño via live streaming,” pahayag ng kampo ni Discaya.

About hataw tabloid

Check Also

Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED Rni Rommel Gonzales NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …