Friday , November 29 2024
Vilma Santos Uninvited electronic billboard

Uninvited panggulat mga electronic billboard

HATAWAN
ni Ed de Leon

On the side naman, naroroon din at nanood muli ng pelikula sina Redgie Magno na siyang producer ng pelikulang When I Met You in Tokyo na inilaban nila sa MMFF noong nakaraang taon at nagbigay kay Ate Vi ng isang best actress award, hindi lamang sa MMFF kundi maging sa international exhibition noon sa MIFF sa Los Angeles. 

Ang producer ng Mentorque na si Bryan Diamante, at ang executive producer ng tv show noon ni Ate Vi na involved din ngayon sa librong ginagawa para sa kanya na si Chit Guerrero, napag-usapan ang mga nakagugulat na mga electronic billboards ng pelikulang Uninvited na nagsisimula nang itayo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Ngayon lang yata nagkaroon ng pelikulang ang ginamit pa sa advertising ay electronic billboard. Ang katuwiran ng producer na si Bryan, “dahil napakaganda ng pelikula namin at kailangang bongga rin ang advertising niyon.”

Kaya kung madadaan kayo ngayon lalo na sa EDSA na ang karaniwang makikita lamang ninyong malalaking billboard ay advertisement  ng briefs, huwag kayong mabibigla kung makikita ninyo ang naglalakihang electronic billboards ng Uninvited. Ingat lang sa pagtingin sa billboard lalo na kung kayo ang nagmamaneho ng sasakyan. Sana nga lang ay wala nang dumating na matinding bagyo sa NCR.

Inamin din sa amin ni Ate Vi, problema talaga ang kanyang schedule sa ngayon. Hindi puwede na hindi siya mag-promote ng Uninvited dahil napakalaki nga ng pelikula at committment na niya iyon sa MMFF na hindi lamang ang pelikula, niya ang kanyang ikakampanya kundi ang sampung pelikulang kalahok sa festival, dahil sa kanyang advocacy na mapabalik ang mga tao sa sinehan. Noon ngang talk back, binigyang diin niya na mas nagustuhan ng mga tao ang napanood na pelikula dahil nakita nila sa big screen, na malaki ang kaibahan kung pinanonood lamang nila sa tv o sa video. Na totoo naman dahil kung sa sinehan ka nanonood, at sa big screen para kang nagiging bahagi ng takbo ng kuwento, iyon ang feeling na nawawala kung nanonood ka lang sa tv.

Kaya makinig na kayo kay ate Vi, na 62 taon na sa industriya, kahit sinasabi niyang 37 pa lang siya. Manood kayo ng pelikula sa sinehan, huwag ninyong hintaying ipalabas sa tv o kaya ay manood ng pirated copy sa inyong cell phones at computer. Ang pagtangkilik sa piracy ay pagtangkilik din sa pagnanakaw. Okey lang siguro iyan kung mga scandal o mega mahahalay na pelikula ang inyong pinanonood. Una ang mahahalay na pelikula hindi naman maaaring mapanood sa sinehan, ikalawa, mailabas man sa sinehan nakahihiya talagang makikita kang pumapasok at lumalabas sa sinehan na ang palabas ay mahahalay na pelikula. 

About Ed de Leon

Check Also

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia handa nang tapatan Vilma, Juday sa MMFF

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BEST performance raw ni Julia Barretto ang Hold Me Close. Ito’y ayon na …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Magic Voyz

Magic Voyz may repeat concert sa Viva Cafe

MATABILni John Fontanilla MULING magkokonsiyerto ang Magic Voyz sa November 29 sa Viva Cafe Araneta City, Cubao, …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Topakk

Sylvia binigyang importansya mga artista sa Topakk inilagay lahat sa  poster 

MATABILni John Fontanilla HINDI raw halos makatayo sa kanilang kinauupuan ang mga artistang kasama sa …

Hello Love Again Kathryn Bernardo Alden Richard Kathden Dingdong Dantes Marian Rivera DongYan Rewind

DongYan hawak pa rin titulong Box Office King & Queen; KathDen kailangang maka-P2-B muna

I-FLEXni Jun Nardo NAGMALAKI na naman  ang producers ng Kathryn Bernardo at Alden Richards movie na nagtala ng boxoffice …