SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
BEST performance raw ni Julia Barretto ang Hold Me Close. Ito’y ayon na rin sa kapareha niyang si Carlo Aquino at ng kanilang direktor na si Jason Paul Laxamana.
Ang Hold Me Close ang official entry ng Viva Films sa 50th Metro Manila Film Festival.
Ito’y isang romantic masterpiece mula sa panulat din ni direk Jason Paul na ang istorya ay ukol kay Woody (Carlo) na pitong taon nang nagta-travel sa iba’t ibang bahagi ng mundo para maghanap ng lugar na maaari niyang matawag na tahanan. Ang kanyang paglalakbay ay dadalhin siya sa siyudad ng Karatsu sa Saga, Japan.
Dito niya makikilala si Lynlyn (Julia), isang charming pero misteryosong squid vendor sa local port market. Agad silang magki-click, at nagsisimula na ring maniwala si Woody na sa wakas ay natagpuan na niya ang kanyang tahanan.
Ngunit, isang lihim ang itinatago ni Lynlyn— ang kanyang kakaibang psychic ability. Mayroon siyang kakayahang makita kung saya o kalungkutan ang dadalhin sa kanya ng isang taong mahawakan niya. Dahil sa “gift” na ito, natuto na siyang maging maingat sa kanyang mga relasyon.
At dahil pang MMFF entry ang Hold Me Close ng Viva natanong si Julia kung ready na ba na lumaban kina Ms Vilma Santos (na may entry na Uninvited) at kay Judy Ann Santos (na may entry na Espantaho) bilang Best Actress?
“Of course naman!” singit ni Carlo.
“‘WAG na!,” nangingiting sagot ni Julia. “Oo naman, ang husay kaya ni Julia rito, ako ‘yun ha, ‘di ba direk,” muling sabi ni Carlo.
“Oo,” pagsang-ayon din ni direk Jason Paul sa sinabi ni Carlo.
“I don’t know I’m not sure how to answer this question. Number one sobra ko silang dalawa iniidolo. Even to mention my name beside there’s medyo nakakadyahe siya.
“But I think this alone still making it to the MMFF 50th year and just being included is already such a great honor. So ayun greatful naman na ako,” katwiran ni Julia.
Susog na tanong kay Julia kung maituturing ba niyang best performances niya ang pelikulang Hold Me Close?
Sagot ni Julia, “I don’t think I should be the one answering that. Feeling ko naman na in every project we just always try to give our best.”
Kaya sa Pasko, kumapit sa kuwento ng pag-ibig nina Julia at Carlo sa Hold Me Close. Ang romantic masterpiece ni direk Jason Paul na ipalalabas sa mga sinehan sa buong bansa sa December 25,
Kinunan sa Japan, ang Hold Me Closeat ito bale ang pangalawang pagtatambal sa pelikula nina Julia at Carlo matapos ang kanilang 2022 movie na Expensive Candy na idinirehe rin ni Laxamana.
Kung ang Expensive Candy ay tumalakay sa matapang at daring na tema, pakikiligin at sasaktan naman tayo nina Julia at Carlo sa romantic-drama na ito. Mapapakita sa Hold Me Close, ang versatility ng dalawa bilang mga aktor.
Ang Hold Me Closerin ang inaabangang pagbabalik-MMFF ng dalawang bituin— huling lumabas para sa MMFF si Julia noong 2016 sa Vince and Kath and James, habang si Carlo ay huling napanood sa festival sa 2012 entry na Shake, Rattle, and Roll XIV.
Si direk Paul naman ay ‘di na baguhan sa MMFF. Noong nakaraang taon ay ipinamalas niya ang action-adventure epic na Penduko. Kilala rin siya sa kanyang mga matagumpay na romantic dramas tulad ng 100 Tula Para Kay Stella at Just a Stranger.