Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shea Tan Ruffa Mae Quinto

Rufa Mae kinaiinsekyuran sa pagho-host

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAGANDS, makinis pero aminado si Rufa Mae Quinto na pawisin siya.

Aliw nga ang hirit niya na muntik na siyang umabot sa puntong papalitan ang pangalan niya to “Sweaty Mae.”

At dahil kahit tayong mga Pinoy ay naloloka sa sobrang init dito sa Pilipinas, doble ang dusa ni Rufa Mae sa init dito lalo pa nga at matagal siyang nanirahan sa Amerika.

Kaya labis ang pasasalamat ni Rufa Mae na nalikha ng chemist at Deo Flex CEO na si Shea Tan ang mga produktong Deodorant Spray na tumatagal kahit buong maghapon ka sa labas.

At dahil nga very safe ang mga sangkap ng lahat ng produktonagagamit din ito maging ng mga bata na tulad ng anak ni Rufa Mae na si Alexandria Athena na kasama ng aktres na umuwi sa Pilipinas.

Hindi rin daw halos kayanin ng seven-year old daughter niya ang mainit na klima sa bansa kaya naman sa tulong produktong ineendoso ni Rufa Mae presko na ang pakiramdam ng anak.

Masaya si Rufa Mae dahil sa wakas ay nakakapag-collab na ang GMA at ABS-CBN kaya naman nakakatawid-tawid siya, tulad na rin ng ibang artista sa dalawang higanteng TV Networks.

Natutuwa nga siya dahil tulad ng mga Kapuso ay mababait din at masarap katrabaho ang mga Kapamilya star.

Hindi raw totoo ang tsika na kaya medyo nagbakasyon siya sa It’s Showtime ay dahil may host na nai-insecure sa husay ni Rufa Mae sa hosting at pagpapatawa.

Nagkasakit siya kaya nagpahinga muna pero agad namang bumalik sa naturang noontime show.

Kung aalukin siya na maging mainstay na sa It’s Showtime, nasa Sparkle pa rin ang desisyon dahil doon siya nakakontrata.

Samantala, nilinaw ni Rufa Mae, hindi sila hiwalay ng mister niyang si Trevor Magallanes.

Nagkataon lang kasi na rito sa Pilipinas umaalagwa ang career ni Rufa Mae bilang artista samantalang sa Amerika naman nakabase ang mister niya.

Mahirap man ang long-distance relationship pero kinakaya nila.

Madali namang magpabalilk-balik sila ni Athena sa US para makasama si Trevor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …