Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andres Muhlach Robbie Jaworski

Andres, Robbie pagtatapatin, sino kaya ang aarangkada?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATAWA kami roon sa nakita naming video ng fans sa Canada pagkatapos ng Sharon-Gabby concert. Lahat halos ng nagbigay ng comment, ang sinasabi, “ang pogi ni Gabby.”

“Pogi” iyan ang hinahanap ng mga Filipino kahit na saan pa. Huwag na iyong noong unang panahon pa, tingnan na lang natin iyong inabot nating henerasyon. Noong  panahon ni Ricky Belmonte. Hindi siya kasama roon sa original na Stars 66 ng Sampaguita, pero siya ang sumikat nang husto, at nagtagal ang career kaysa ibang mga kasabayan niya. Iyong iba roon nawala na lang at sukat, iyong iba naman nalagay na sa supporting roles, pero si Ricky bida pa rin, pogi kasi. 

Sumunod naman doon ang panahon ni Tirso Cruz III, bakit sumikat? Pogi kasi. Tapos matagal na nawalan ng bago hanggang sa biglang pumasok si Lloyd Samartino. Na mabilis namang nasundan ng Regal babies na sina Alfie Anido at Gabby Concepcion. Sila ang nanguna noong kanilang panahon. Hanggang sa pumasok nga si Aga Muhlach, na ang naging pagsikat ay pumailanlang at matindi talaga. Walang sumikat nang matindi pagkatapos noon, hanggang sa dumating ang panahon ni Daniel Padilla, nakiliti na naman ang imahinasyon ng fans. At huwag kayong mapipikon kung sabihin namin na hanggang ngayon naman wala pang sumikat na hindi nakasandal lang sa kanilang leading ladies kundi si Daniel.

Itong taong ito, sabay na pumasok ang dalawang pogi, sina Andres Muhlach at Robbie Jaworski.

Tiyak iyon, iyan ang labanan sa 2025, si Andres na nasa TV5, si Robbie naman nasa ABS-CBN na maraming proyeko pero walang prangkisa, at hindi naman maka-angat dahil nakabit sila sa mga mahihinang estasyon. Iyon lang namang It’s Showtime ang lumakas dahil nasabit nga sa GMA 7, pero iyong ibang estasyong nilalabasan wala rin naman. Kahit na iyong nadagdag pang All TV wala rin namang dating. Para rin lang ZOE TV.         

Ang lamang  lang ni Robbie, tiyak na siya ang ipu-push ng ABS-CBN come what may, kasi wala naman talagang umangat doon sa mga itinutulak nilang bagong matinee idols. Puro nangamote na sa pelikula. Si Andres naman, nasa isang network na may prangkisa pero hindi naman all out sa promo. Pero makikita natin sino sa dalawa ang unang aangat, basta my nauna na riyan sa dalawang iyan talo na ang maiiwan. Unahan na iyan eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …