RATED R
ni Rommel Gonzales
PASABOG ang kuwento mismo sa amin ni Lloyd Samartino na noong araw pa nagaganap ang sexual harassment sa showbiz.
Nagsimula bilang young actor na super-guwapo at hunk, may istorya rin si Lloyd tungkol sa ganitong senaryo na ngayon ay patuloy na nagaganap, tulad sa kaso nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, ng isang empleado ng TV5, at kamakailan ay ni Rita Daniela na nagsampa ng kaso laban kay Archie Alemania.
Kuwento ni Lloyd, “Well sa totoo lang, I had my share of that when I was starting in the industry, with very big directors pa and producers.
“Wala namang… I mean, in my particular case, wala namang nangyaring masama, kasi marunong naman ako um-exit.
“Pero ‘yung mga inaano ka, kino-corner ka, mga ganyan-ganyan, alam mo na.”
Hanggang saang punto siya na-harass?
“Well, yung nahalikan ‘yung leeg mo, kasi nalasing ‘yung direktor ko na ‘yun.”
Nakatakas naman si Lloyd.
“Sabi ko lang, ‘Mag-CR ako direk, sandali lang.’
“Then I got into my car.
“Kasi hindi lang naman noong nag-showbiz ako, kahit noong lumalabas ako sa commercial, kino-corner na rin ng mga casting directors.”
At lagi siyang nakaliligtas.
“Oo. Mayroon akong estilo na nakaka-exit ako.
“And you’ve lost some projects because of that, kasi ‘yung iba… it was only noong nagkapangalan na ako talaga na medyo umatras na sila, kasi hindi na puwede dahil may pangalan na.
“Pero unfortunately, lahat dumadaan diyan. It’s still happening.”
Samantala, kasali si Lloyd sa pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan na palabas na sa mga sinehan.