Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robbie Jaworski Dodot Jaworski Mikee Cojuangco ABS-CBN Star Magic

Robbie Jaworski umamin crush sina Kim, Maris 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PORMAL nang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN talent management na Star Magic ang panganay na anak nina Robert “Dodot” Jaworski, Jr. at Mikee Cojuangco, si Robbie Jaworski.

Present sa contract signing ni Robbie noong Biyernes ang Star Magic head na si Lauren Dyogi at ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, at talent manager Girlie Rodis gayundin ang mga magulang ni Robbie at kapatid na si Rafael Jaworkski.

Ayon kay Robbie pinag-isipan at ipinagdasal niya ang ginawang desisyon bago pumasok sa showbiz.

Ayon sa Star Magic, magiging MYX Channel VJ si Robbie. At agad niyang naipakita ang talent na ito nang nag-present siya ng award kamakailan sa MYX Music Awards 2024.

I am excited to get to know the other VJs and hosts more,” masayang wika ng binata.

Aminado si Robbie na malaki ang impluwensiya ng mga magulang niya pero iginiit na sariling desisyon ang pagpasok sa showbiz kaya naman ganoon na lamang ang pagpapasalamat niya sa kanyang pamilya.

Sinabi naman ni Dodot na hindi nila hinadlangan ang kagustuhan ng kanilang anak bagkus ay sinuportahan nila.

Pumayag kami nang magsabi siya, why not give it a try?! Andito lang kami,” anang Vice Mayor ng Pasig.

Matagal na palang may offer kay Robbie na mag-artista at mag-host. May offer din pala ito noon para maging housemate sa Pinoy Big Brother.

May mga offer na pumapasok but it was this year pinag-isipan ko talaga and dinasalan ko ‘yung decision kasi other opportunities presented itself.

“After seeing my parents and grandparents how they inspire others, I realized this might be an opportunity for me to do find a greater purpose and something bigger than just myself. 

“Hopefully learn to inspire others,” ani Robbie.

Sinabi pa ni Robbie na nakakaramdam din siya ng pressure sa pagpasok sa showbiz pero ito ang ginagamit niyang motivation para pagbutihin ang mga ibibigay sa kanyang projects ng ABS-CBN.

Nakakaramdam din siya ng pressure kapag ikinokompara sa mga magulang.

“So sometimes I do feel pressure but most of the time it is a good pressure.

I am grateful ipinanganak ako sa pamilya na marami nang ginawa or naiambag sa komunidad.

Nang matanong naman kung sino sa mga love team ang gusto niya sakaling maging third party, pinili niya ang DonBelle dahil naging schoolmate at friend niya si Donny Pangilinan.

Showbiz crush naman niya sina Kim Chiu at Maris Racal.

Ang pagiging energetic at bubbly ni Kim at ang kakaibang ganda at lakas ng dating ni Maris ang nagustuhan niya sa mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …