Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine tinantanan na ng ‘di magandang tsismis

HATAWAN
ni Ed de Leon

SALAMAT naman at natapos na ang hindi magandang tsismis tungkol kay Sunshine Cruz

Actually noong nakaraang taon pa namin narinig ang tsimsis na ang sabi sa amin, “bantayan mo iyang mahal mong kaibigang si Sunshine Cruz, dahil ang balita may ka-affair daw iyan ngayon.” At ang sinabi sa aming ka-affair ni Sunshine ay isang negosyanteng hindi masyadong maganda ang image. Hindi kami kumibo dahil hindi naman kami naniwala.

Kilala namin si Sunshine at alam namin kung kailan iyan posibleng ma-in love. Hindi si Sunshine iyong makikipag-affair for convenience. Kung ganoon iyan eh ‘di sana noon pa sa dami ng nagtangkang ligawan siya na mayayaman at mga lehitimo pang negosyante, iyong kabilang sa old rich.

Eh kung iyong bata pa, may mga hitsura naman at walang asawa, hindi pinatos ni Sunshine, iyon pa bang may edad na at may asawa pa?

Pero tuloy pa rin sila ng tsismis, kaya raw maganda si Sunshine dahil talagang alaga ng DOM, bakit eh hindi ba talaga namang maganda si Sunshine kahit na noong bata pa iyan. Hanggang nang malaunan sumabog ang isang malaking tsismis tungkol sa DOM, at ang kasama ay iba hindi si Sunshine. Kaya nga pinagtawanan namin ang mga nagtsismis niyon, kasi sinabi na namin, kilala namin si Shine at hindi iyon papatol sa ganyan. Sige pa rin sila, kaya ngayon sila talaga ang mali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …