Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Uninvited Vilma Santos Aga Muhlach Nadine Lustre

Vilma pinakamalaking pelikula ang Uninvited, parte pa ng maiiwang legacy 

HATAWAN
ni Ed de Leon

UNANG nagkasama sina Vilma Santos at Aga Muhlach sa pelikulang Sinungaling Mong Puso, na natatandaan naming pinanood namin ng first day dahil sa kuwento ng aktor na kakaiba raw ang pelikula nilang iyon. Kakaiba nga, dahil ang role ni Ate Vi ay isang babaeng may asawa, si Gabby Concepcion,na biglang may nakilalang isang lalaki, si Aga nga na asawa naman ni Aiko Melendez sa pelikula.

Nagkaroon sila ng relasyon. Nahuli sila ng mga asawa nila. Si Aga tinorture pa ni Gabby at muntik nang mapatay. Pero mabilis ang asawa, si Gabby ang nabaril at si Aga ay iniligtas, pero siyempre nakulong si Ate Vi sa istorya.

Nagkasama silang muli roon sa Nag-iisang Bituin, doctor naman si Ate Vi at si Aga ay may down syndrome. Si Christopher de Leon naman ang kasama nila sa pelikula. Pero mapapansin ninyo, wala pang ginawang love story sina Ate Vi at Aga na sila ang magka-partner talaga.

Ngayon naman dito sa Uninvited, magkasama na naman sina Ate Vi at Aga pero thriller naman ang pelikula. Ang kasama naman nila si Nadine Lustre. Sa tuwing gagawa sila ng pelikula, lagi silang may kasama pang isang mabigat na artista, pero rito sa Uninvited, maraming sikat na artista bukod kay Nadine. Nariyan si Tirso Cruz III na number one matinee idol noong panahon niya. Kasama rin si Lotlot de Leon, ang best actress awardee na ring si Gabbi Padilla, at si Nonie Buencamino. Kaya nga kung sabihin, iyang Uninvited ang may pinaka-malalaking stars sa lahat ng mga pelikula sa MMFF (Metro Manila Film Festival) ngayong taong ito. Take note, ang distributor pa ng kanilang pelikula ay ang Warner Brothers, kaya nangangamoy na may international distribution ang pelikulang iyan.

Aminado si Ate Vi na iyang Uninvited ay isa sa pinaka-malaking pelikulang nagawa na niya sa loob ng kanyang 62 taong career bilang isang aktres. Inaamin naman niyang nang gawin niya ang pelikulang iyan, ang iniisip niya ay isang pelikulang magiging bahagi na ng kanyang legacy sa pelikulang Filipino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …