Wednesday , November 20 2024
Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at dating mayor ng Mandaluyong City, ayon sa pinakabagong 2025 senatorial race survey ng Tangere.

Bilang alkalde ng Mandaluyong sa loob ng 15 taon, kilala si Abalos sa mga programang nagbigay ng makabuluhang pagbabago sa lungsod. Sa kanyang liderato, pinarangalan ang Mandaluyong bilang Best Child-Friendly City, Most Business-Friendly City, at pitong beses na ginawaran ng Seal of Good Local Governance. Ang kanyang programang Project TEACH, na naglalayong tulungan ang mga batang may kapansanan, ay kinilala ng United Nations Public Service Award bilang isa sa pinakamahusay na inisyatibo para sa public service.

Sa larangan ng edukasyon, libre ang tuition sa Mandaluyong mula day care hanggang kolehiyo. Pati uniporme, bag, sapatos, notebook, at medyas ay libreng ibinibigay. Para sa mga senior high school students, may buwanang allowance, at lahat ng Grade 4 hanggang senior high school students ay binigyan ng libreng laptop. Pati ang public school teachers sa lungsod ay tumanggap ng libreng laptop.

Sa nutrisyon, naging modelo ang Mandaluyong matapos parangalan bilang Best in Nutrition. Pinangunahan ang mga breastfeeding programs at tiniyak na malusog ang mga bata mula sinapupunan hanggang tatlong taong gulang. Dahil dito, nanguna ang mga mag-aaral ng lungsod sa National Achievement Test, na nagpapatunay ng koneksiyon ng nutrisyon sa academic performance.

Bilang DILG Secretary, nagpatupad si Abalos ng mahahalagang reporma. Isa sa kanyang pinakamalaking tagumpay ay ang pagkompiska ng P33.8 bilyong halaga ng illegal drugs sa loob lamang ng unang dalawang taon ng administrasyong Marcos. Tinugis niya si Pastor Apollo Quiboloy, Alice Guo, Teddy Jay Mejia at marami pang iba. Itinayo rin niya ang mahigit 200 bagong fire stations at nagbigay ng mga fire trucks sa iba’t ibang LGU. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, inatasan niya ag mga LGU, sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2023-045, para siguraduhin ang pantay na pamamahagi ng benepisyo sa senior citizens.

Kasama si Abalos sa Alyansa para sa Pagbabago 2025, ang opisyal na senatorial slate ng administrasyong Marcos. Prayoridad niya ang reporma sa Local Government Code upang mas malinaw na maipamahagi ang responsibilidad ng nasyonal at lokal na pamahalaan, pagpapabuti ng sektor ng agrikultura, at pagkakaroon ng mas mababang interes para sa mga pautang ng mga magsasaka.

Kasama rin sa kaniyang adbokasiya at plataporma ang pagpapababa ng presyo ng elektrisidad sa bansa at mapatibay ang investment climate upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino.

Kinilala si Abalos bilang top performing cabinet Secretary ni Pangulong Marcos matapos makuha ang pinakamataas na job performance score sa “Boses ng Bayan” assessment ng RPMD Foundation Inc.

Tumatakbo si Abalos sa ilalim ng plataporma para sa maayos na kalidad ng buhay ng bawat Filipino—mula edukasyon, nutrisyon, agrikultura, at seguridad.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Janine Tenoso Side A

Side A at Janine Tenoso pinag-isa ng kanilang musika 

HINDI naitago kapwa ng Side A Band at ni Janine Tenoso ang excitement sa nalalapit nilang konsiyerto, ang Bonded by …

Bong Suntay Bday

‘Birthday pasasalamat’ ni Cong. Bong Suntay dinagsa

TINATAYANG aabot sa 8,000 suporters, mga miyembro ng kanyang pamilya at kaibigan, gayundin mula sa …

2 dating kaalyadong politiko ni Mayor Vico Sotto bumaliktad

DESMAYADO na ang dalawang dating mga kaalyadong politiko ni Pasig City Mayor Vico Sotto at …

Bamboo Kawayan

Pamangkin hinamon ng duwelo , Tiyuhin patay sa palo ng kawayan

BINAWIAN ng buhay ang isang 55-anyos na lalaki matapos ilang ulit paluin sa ulo ng …