HATAWAN
ni Ed de Leon
FINALLY, nagsalita na rin si Mark Anthony Fernandez tungkol sa kanyang kontrobersiyal na video na kumalat sa social media. Inamin ng aktor na siya nga ang nasa video, kasama ng kanyang girlfriend, pero sinabi niyang matagal na ang video na iyon, mga ilang taon na yata at nagtataka nga siya kung bakit ngayon pa lumabas.
Sinabi rin niyang nanahimik na lamang siya sa simula para hindi na nga humaba ang issue at sa paniniwala niya, basta hindi siya kumibo wala na ring magiging usapan. Pero dumating na rin sa puntong kailangan na niyang magbigay ng komento kaya nga inamin naman niyang totoo na siya nga iyon at nilinaw niyang hindi naman dapat na magkaroon pa ng ano mang kontrobersiya kaugnay niyon.
Naging parang katuwaan nga lang daw iyon at hindi niya alam kung bakit pagkatapos pa ng maraming taon at saka pa kumalat. Pareho naman daw sila ng babaeng kasama niya sa video na hindi nakaaalam kung paano iyon kumalat pero hindi naman daw sila apektado niyon.