Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWAN
ni Ed de Leon

UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang matinee idol talaga. 

Ewam namin kung anong build-up ang gagawin sa kanya ng ABS-CBN, mahirap mo kasing masabi dahil wala naman silang prangkisa at aminado silang nalulugi ng P2-B taon-taon. Kasi para maipalabas ang mga ginagawa nilang content kailangan silang magbayad ng blocktime sa ibang estasyon. Iyon ngang All TV akala namin collab na nila, hindi pa rin pala, blocktime rin. Dahil ang prangkisa ay hindi maaaring ipagbili, ipagamit sa iba sa anumang paraan.

Maliban nga lang kung blocktimer iyon at nasa network pa rin ang control, kung hindi huwag ninyong sabihing may dalawang senador na Villar at may isang congresswoman pa. Basta may violation sila maaaring sila rin mawalan ng prangkisa.

Kung ibi-build up nila si Robbie bilang matinee idol, makakalaban iyon ni Andres Muhlach na siya namang sinusugalan ng TV5. May nagsasabing lamang naman daw si Andres, pero hindi ka nakasisigruo, depende iyan sa kung paanong bibigyan ng build up si Robbie. 

Pero ang nakatutuwa ay ang match nina Andres at Robbie. Si Aga na tatay ni Andres ay naging syota noong araw ni Mikee. Si Dudut naman na tatay ni Robbie naging syota rin ni Charlene. TIngnan mo nga naman ang buhay ano.

Pero iyang pasok ni Robbie, masasagasaan ang ibang matinee idols na baguhan ng ABS-CBN.

Makakasabay kaya si Donny Pangilinan na bumagsak na ang pelikula laban kay Robbie na walang dudang suportado ng fans ng nanay at tatay niya at maging ng  fans ng lolo niyang si Big J?

Malakas na puwersa iyan. At huwag silang aato-ato, lolo rin niyan si Peping Cojuangco. Magbagal-bagal sila, kayang mag-produce ng lolo niyan. Hindi ba noong araw nakipag-collab na ang lolo niya sa Viva at sa GMA dahil sa nanay niya. Imposible bang magawa iyon para sa apo?                

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …