Friday , November 15 2024

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi maiwasang mapunta ang usapan sa politika. Kasama rito ang pagganap niya bilang isang public servant sa top-rated primetime series, na umabot pa ang karakter niyang si Rafael Sagrado sa pagiging presidente sa masalimuot na kuwento. 

Napag-usapan din ang mga naglalakihang billboard ni Piolo sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan, na may mga mensahe para sa ikabubuti ng mga Filipino kaakibat ang isang party-list.  

“[Ang mga billboard na iyon], I’m in partnership with a party-list that I also supported last elections. Mayroon kaming mga proyekto na ginagawa na magkasama—they help my foundation, and we visit different places to do outreach,” na ang tinutukoy ni Piolo ay ang kanyang personal na charity organization, ang Hebreo Foundation na matagal nang sumusuporta sa mga iskolar at may mga programang pang-mahirap na isinasagawa sa buong bansa. 

Ang party-list namang sinusuportahan niya ay ang Ang Probinsyano Party List (APPL), na anim na taon nang isinusulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga Filipino sa mga malalayong lalawigan na kadalasang hindi naaabot ng mga serbisyo, oportunidad, at ayuda mula sa gobyerno.

Ani Piolo, naniniwala siyang tama ang kanyang desisyon na iendoso ang isang kandidato o grupo tulad ng APPL na tunay na nagtatrabaho ng tapat para sa kapakanan ng mga Filipino.

“So yeah, at the end of the day, you give hope in your own way, but you also give a chance to people who are running and really want to serve by helping them out.”

Saksi si Piolo sa malakihang outreach ng APPL kamakailan para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine. Pinangunahan mismo ng masipag at batambatang First Nominee ng party-list na si Cong. Alfred “Apid” delos Santos ang pamamahagi ng tulong sa humigit-kumulang 2,800 pamilya at 3,000 indibidwal na apektado sa buong Albay, kabilang na ang Legazpi City at Camaligan, Camarines Sur.

Sa panghuling pananalita ni Piolo ukol sa mga political endorsement, aniya, epektibong serbisyo ang hanap niya sa mga nais humingi ng kanyang suporta, tulad ng APPL. 

Dagdag pa ng aktor, lagi siyang handa na makipagtulungan sa mga taong may malasakit sa mga Filipino dahil ang pag-unlad ng mga buhay ng taumbayan ang siya ring nais niyang makamtan.

I endorse those who I believe in and I believe will really help many Filipinos in need.”

Bukas, Biyernes ang pagtatapos ng Pamilya Sagrado na mapapanood sa ABS-CBN. (MValdez)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …

Roderick Paulate Robbie Tan

Roderick Paulate, Robbie Tan bibigyang pagkilala sa 39th Star Awards for Movies

MATABILni John Fontanilla HANDA nang parangalan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga natatanging pelikulang ginawa …