RATED R
ni Rommel Gonzales
TULAD ng ibang guapo at bortang artista na nakakapanayam, tinanong namin si Andrew Gan kung ano ang stand niya sa issue ngayon ng sexual harassment.
Umamin si Andrew na nakaranas na siya
“Oo naman…Mga nag-aano…indecent offer.”
Ano ang inalok sa kanya na medyo nalula o nasilaw siya?
“Ano siya…career.”
Ibig sabihin ay taga-industrya rin ng showbiz ang nag-alok sa kanya?
“Oo.”
Ano ang isinagot niya?
Pagbabahagi ni Andrew, “Ako kasi may prinsipyo ako, na para saan pa na nag-hard work ako, para saan pa hinuhulma ko ‘yung craft ko kung dadaan lang din ako sa shortcut?
“And at the end of the day kung bumigay ka man doon, next month may bagong flavor of the month.
“So ako mas niniwala pa rin na kailangan ‘yung talent mo solid.”
Co-managed si Andrew ng Viva at ng talent manager na si Tyrone James Escalante at kapatid niya rito sina Jane de Leon at Kelvin Miranda.
Nagka-project na ba sila ni Jane?
“Hindi pa, pero ngayon may ginagawa kaming pelikula ni Kelvin.”
Solid ang talent ni Andrew, umaarte, naghu-host, at kumakanta.
Pati nga ang pag-arte sa mga stageplay ay kinakarir ng binata.
“Opo, may gagawin akong stage play, A ‘Midsummer Night’s Dream’ ni William Shakespeare, ako po ang lead.”
Bago ito ay naging Romeo na rin si Andrew sa play na Romeo and Juliet play na umikot sa iba-ibang paaralan sa Pilipinas.