INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng pinaniniwalaang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang dumaan sa EDSA busway nitong Martes ng umaga, 12 Nobyembre.
Sa paunang ulat mula sa SAICT, nabatid na bigong magpakita ng rehistro ng sasakyan at pekeng plaka ang nakakabit dito.
Ayon sa driver ng hinarang na Mitsubishi L300, sinadya niyang dumaan sa EDSA busway dahil bahagi sila ng isang operasyong ikinakasa ng kanilang ahensiya.
Hindi tinanggap ng opisyal ng SAICT dahil hindi ito sapat na dahilan upang lumabag sa batas trapiko ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Kasalukuyan nang nakapaghain ng show cause order ang SAICT at DOTr upang hingin na humarap sa kanila ang driver at magpaliwanag kasama ang kanilang mga kasamahan tungkol sa naturang paglabag.