Friday , November 22 2024
bagyo

Bagyong Nika nagsimula nang manalasa higit 1,700 pamilya sa Isabela inilikas

MAHIGIT 1,700 pamilya sa lalawigan ng Isabela nitong Lunes, 11 Nobyembre, sa gitna ng pananalasa ng bagyong Nika (international name: Toraji) ang inilikas kahapon.

Sa huling tala kahapon, 12:00 ng tanghali, ipinaskil ng Isabela Public Information Office sa kanilang Facebook account na 1,783 pamilya o 5,220 indibiduwal na ang inilikas mula sa mga sumusunod na lugar:

•            Alicia – 60 pamilya, 182 indibidwal

•            Aurora – 218 pamilya, 615 indibidwal

•            Benito Soliven – 78 pamilya, 213 indibidwal

•            Burgos – 58 pamilya, 190 indibidwal

•            Cabagan – 8 pamilya, 33 indibidwal

•            Lungsod ng Iligan – 104 pamilya, 34 indibidwal

•            Delfin Albano – 54 pamilya, 163 indibidwal

•            Dinapigue – 212 pamilya, 643 indibidwal

•            Divilacan – 37 pamilya, 130 indibidwal

•            Echague – 24 pamilya, 84 indibidwal

•            Gamu – 17 pamilya, 46 indibidwal

•            Luna – 59 pamilya, 186 indibidwal

•            Maconacon – 279 pamilya, 799 indibidwal

•            Naguilian – 4 pamilya, 10 indibidwal

•            Palanan – 94 pamilya, 286 indibidwal

•            Quezon – 47 pamilya, 144 indibidwal

•            Ramon – 47 pamilya, 144 indibidwal

•            Roxas – 29 pamilya, 89 indibidwal

•            San Guillermo – 219 pamilya, 712 indibidwal

•            San Isidro – 88 pamilya, 256 indibidwal

•            San Mariano – 46 pamilya, 124 indibidwal s

•            Santo Tomas – 3 pamilya, 3 indibidwal

Iniulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa kanilang 11:00 am bulletin, na nag-landfall na ang bagyong Nika sa Dilasag, Aurora.

Huling namataan ang bagyong Nika sa bisinidad ng San Agustin, Isabela, na may lakas ng hanging aabot sa 130 kph malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 180 kph.

Samantala, inaasahang tuluyang magiging bagyo ngayong linggo ang binabantayang tropical depression sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pangangalanan itong Ofel sa pagpasok nito sa PAR, ayon sa PAGASA. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …