RATED R
ni Rommel Gonzales
ANG lola niya ang dahilan ni Francine Diaz para tanggapin ang pelikulang Silay.
Tulad ng role niya bilang si Leslie sa pelikula, sa tunay na buhay ay mahal na mahal ni Francine ang kanyang lola.
Ani Francine, “Actually po, ‘yung character ko sa ‘Silay’ pareho lang din naman po sa totoong buhay.
“Ang pinagkaiba lang si Leslie kasi sobrang ano talaga siya eh, caring talaga, sobrang lambing niya.
“Iba ‘yung way ng paglambing ko sa lola ko. Madalas inaasar ko siya, kasi nangangagat siya, nangangagat yung lola ko ‘pag hindi napagbigyan,” at tumawa si Francine.
“Hindi. Pero ganoon po kaya rin po noong nabigay po sa akin ‘yung kuwento wala pong pag-aalinlangan tinanggap din po namin kasi, actually po isa rin sa mga reason ko kasi para rin kay lola.
“Pero ganoon ko po masasabi na ganoon kalapit si Leslie sa akin sa totoong buhay.
“And kahit po dati kasi ‘pag may mga audition ako kasama ko rin si lola,” pahayag ni Francine.
Sa Silay, lola ni Leslie si Malou de Guzman bilang title-roler na si Silay.
Ang Silay ay mula sa MACE Ascending Entertainment Productions ni Rachelle Umandap at idinirehe ni Greg Colasito.
Nasa cast din ng pelikula sina Ramon Christopher, Yul Servo, Rob Sy, Long Mejia, Krista Miller, Joni Mcnab, Jervin Mendoza, Rain Perez, Emilio Garcia, at introducing naman sina Merab Soriano, Russel Umandap, Pao Umandap, at Jopher Martin.
Samantala, magkasama man sila sa Silay ay magkakatunggali naman sina Francine at Malou sa 50th Metro Manila Film Festival dahil bida si Francine (with Seth Fedelin) sa Regal Entertainment Inc.entry na My Future You samantalang kasama si Malu sa And The Breadwinner Is ni Vice Ganda.