Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tessie Tomas

Tessie Tomas sinita batang aktor na laging hawak ang gadget sa taping

RATED R
ni Rommel Gonzales

MADALAS na tanong namin sa mga beterano o senior stars ay kung ano ang masasabi nila sa mga kabataang artista ngayon, ang mga Gen Z stars.

Isa sa nakapanayam namin kamakailan ay ang beteranang aktres na si Tessie Tomas, at tumatawang sagot niya ay, “Napakabigat ng mga tanong na ‘yan, ha?

“Siyempre ang nakikita ko ay napaka-gadget conscious nila, their attention is very limited.

“Therefore they have to be always told and guided na, ‘Huwag mo namang dalhin ang cellphone mo sa set’, ‘Mag-memorize ka naman’, Dibdibin mo naman’.”

May nasita na raw siyang batang artista.

Mayroon na, roon sa ‘Dirty Linen’ noon.

“Alam mo ang maganda nakikinig sila because they respect me and they know that… you know, I am who I am because of my discipline.

“Discipline, commitment, kailangan nila, focus, focus.”

Ayaw niyang banggitin ang pangalan ng artistang tinutukoy niya.

Huwag na. Ha! Ha! Ha! Lalaki!”

Samantala, bida si Tessie sa pelikulang Senior Moments mula sa A&S Production kasama sina Nova Villa at Noel Trinidad.

Ang pelikula ay mula sa panulat at direksiyon ni Neil ‘Buboy’ Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …