Sunday , December 22 2024
Ralph Recto Luis Manzano Vilma Santos Ryan Christian

Vilma ‘di nababahala sa bintang nagsisimula ng political dynasty

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATURAL galit na galit ang mga Vilmanian dahil ang daming naninira kay Vilma Santos. May sinasabing nagsisimula raw ng isang political dynasty at pati iyong anak na hindi naman taga-Batangas pinakandidato pa. Maliwanag na ang sinisiraan ay si Luis Manzano.

Pero si Ate Vi, hindi nababahala. Ang sabi niya unahin muna natin itong Uninvited, tapos at saka na natin pag-usapan iyang politika.

“Ang tagal ko na sa politika, hindi na ko apektado ng ganyan kasi hindi naman pinapansin ng mga tao iyong ganyang mga salita. Alam naman nila kung saan galing iyan. In the end, ang mananaig naman ay kung ano ang nakita nilang nagawa mo, at ang gagawin mo pa. Ano naman ang nagawa ng mga kalaban mo at ano ang kanilang gagawin pa. Matalino na ang mga tao ngayon, hindi sila basta maniniwala sa mga sinasabi lang ng kung sino-sino sa social media. 

“Malalaman natin iyan pagharap na naming lahat ng mga tao, iyon naman ang mahalaga eh. Kanino ba nila ibibigay ang kanilang tiwala sa mga naninira o sa nasubukan na nila. Kami 24 na taon ko nang kasama ang mga Batangueno, kilala na nila ako. Alam naman nila kung ano ang nagawa ko at alam ko rin naman kung ano ang gusto pa nilang gawin ko, at iyon naman ang gagawin natin,” sabi ni Ate Vi.

In the meantime, asikasuhin muna ang naiibang thriller na Uninvited. At huwag na kayong mahiyang pumasok sa sine kahit na uninvited ka.  

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …