Sunday , December 22 2024
Jasmine Curtis-Smith John Lloyd Cruz

Lloydie at Jasmine kakaiba tema ng lovescene — intense at may powerplay

ni ROMMEL GONZALES

MAY lovescene sina Jasmine Curtis-Smith at John Lloyd Cruz sa Moneyslapper na parte ng QCinema International Film Festival.

Ano ang pakiramdam habang kinukunan ang lovescene nila ni John Lloyd?

Hmmm, ano ba? I think kasi noong… actually ako marami akong tanong noon sa lovescene namin because for me, kakaibang tema, kakaibang storytelling ‘yung ginawa namin and hindi siya ‘yung usual lovescene na alam ko.

“Or kahit paano sa tunay na buhay na na-experience mo na klaseng feeling.

Kasi ano siya, mas intense siya, may powerplay na involved pero at the same time dahil ano rin, parang mayroon kang nilalampasan na linya roon sa role ko, ‘yung role ko parang mayroon siyang boundary na nilampasan sa ginawa niyang iyon.”

Ito na ba ang most daring role na ginawa ni Jasmine?

I would say…. naku, mayroon pang mas intense,” pagtukoy pa ni Jasmine sa iba pa niyang eksena sa pelikula.

Mala-Vivamax?

Ayyy grabe naman kayo,” at tumawa si Jasmine.

Hindi naman po, pero kayo na ang manghusga po.”

Si Jasmine si Jessa sa pelikula.

Isa siyang very pure and demure na batang babae, dalagita na makikilala niya ‘yung role ni Daniel, si John Lloyd, and doon po siya magkakaroon ng kaunting tikim kung ano ba talaga ang nangyayari sa tunay na buhay.

“Ang mga realidad sa buhay kapag nakatikim ka ng ginhawa, nagsimula kang magrebelde kasi ang kinalakihan ni Jessa ay dalawang, ‘yung parents niya very… Catholic, missionary sila.

“So iyon ‘yung background niya so, medyo magbabago talaga siya.”

Dahil kay John Lloyd o Daniel?

Inspired by,” sambit ni Jasmine.

Nag-usap ba sila ni John Lloyd before and after the lovescene?

“Ang mas nakausap ko si direk, kasi gusto kong maintindihan ‘yung dynamic, ano ba ‘yung gustong makuha ng role ko roon sa kanya as Daniel, doon sa lovescene na iyon.”

Napaka-gentleman daw ni John Lloyd nang kunan ang kanilang intimate scene.

Yes, yes, very much so! Tuwing magka-cut he’s very aware of the scene.”

Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.

Ang edisyon ng QCinema 2024 ay binubuo ng dalawang main competition sections: ang Asian Next Wave at QCShorts International. 

Sa taong ito, mas pinaigting ang QCShorts na tampok ang Southeast Asian films kasama ang anim na Filipino short film grantees sa kompetisyon. 

Kasama sa line up ng Asian Next ang Don’t Cry Butterfly ni Duong Dieu Linh (Vietnam, Indonesia, Philippines, Singapore), Grand Prize winner sa Venice Critics’ WeekPierce ni Nelicia Low (Taiwan, Poland, Singapore), Best Director sa katatapos na Karlovy Vary Crystal Globe Competition; at Mistress Dispeller, isang feature documentary ni Elizabeth Lo (China, USA), winner ng NETPACaward for Best Asian Film sa Venice. 

Mapapanood din ang Happyend ni Neo Sora (Singapore, UK, USA), Tale of the Land (Indonesia, Philippines, Qatar, Taiwan), winner ng Fipresci prize sa Busan; Viet and Nam ni Truong Minh Quy(Philippines, Vietnam, Singapore, France, Netherlands, Germany, Italy, USA), na itinampok sa Cannes’ Un Certain Regard; at ang Moneyslapper ni Bor Ocampo (Philippines) na magkakaroon ng world premiere.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …