Thursday , November 21 2024

6 bigtime drug dealers, dakip sa P15-M shabu, marijuana, ecstacy

110724 Hataw Frontpage

MAHIGIT P15 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni Acting District Director, P/Col Melecio M. Buslig, Jr.

Naaresto ang anim na bigtime drug dealers sa isinagawang buybust operations ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni PMaj. Wennie Ann Cale, hepe ng DACU at nanguna sa operasyon, ang pagkakakompiska sa P15,841,000 halaga ng ilegal na droga at pagkadakip sa anim katao ay resulta ng isinagawang magkakasunod na operasyon.

Sa unang operasyon, ang mga suspek ay kinilalang sina Arlene Ann Goco, 36 anyos, residente sa Brgy. Plainview, Mandaluyong City; Lia Lauren Llige, 42 anyos, residente sa Brgy. Batis, San Juan City; Daryl Sarona, 26 anyos, residente sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City; at Jerome Palacios, 49 anyos, residente sa Pateros, Metro Manila.

Ayon sa ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng DDEU, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA-NCR, ng buybust operation matapos makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng mga suspek na may kinalaman sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng P50,000 halaga ng high-grade marijuana mula kay Goco. Pagkatapos ng transaksiyon, inaresto agad sina Goco at ang tatlo niyang kasamahan bandang 1:30 pm nitong Martes, 5 Nobyembre 2024 sa Aurora Blvd., Brgy. Kaunlaran, Quezon City.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 60 gramo ng high-grade marijuana (Kush) na nagkakahalaga ng P90,000; 400 pirasong ecstasy tablets na may halagang P680,000; isang litrong marijuana kush oil na nagkakahalaga ng P1,200,000; at 20 piraso ng liquid marijuana vape na may halagang P30,000, may kabuuang halagang P2,680,000.

Narekober ang isang eco-bag, dalawang cellphone, isang Nissan Navara, at ang perang ginamit sa buybust.

Sa imbestigasyon, ibinunyag ni Goco ang pagkakasangkot ng dalawa pang high-value individuals (HVI) sa ilegal na droga.

Dahil dito, agad nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng DDEU bandang 2:30 pm ngayong 6 Nobyembre 2024, sa Carlos P. Garcia Ave., malapit sa kanto ng Velasquez St., Brgy. UP Campus, Quezon City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Terence Concepcion, 43 anyos, residente sa Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City; at Mohammad Villar Dana, 36 anyos, residente sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Nakompiska mula sa dalawa ang 1,770 gramo ng shabu at 750 gramo ng thylenedioxymethamphetamine  (MDMA), na may kabuuang halagang P13,161,000.

Ang lahat ng mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Binabati ko ang mga operatiba ng DDEU, ganoon din ang mga miyembro ng PDEA-NCR sa matagumpay na buybust operation na nagresulta sa pagkakahuli sa mga drug suspects at pagkakakompiska ng malaking halaga ng ilegal na droga. Makaaasa ang QCitizens na tuloy-tuloy ang QCPD sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga upang masigurong ligtas ang bawat mamamayan sa Lungsod Quezon,” pahayag ni PCol.  Buslig, Jr. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …