RATED R
ni Rommel Gonzales
SOLID na tagahanga ni Ella May Saison ang South Border vocalist na si Jay Durias.
Kuwento ni Jay, “Super idol na idol ko si Ella May, sa Art Start pa lang, yung banda niya sa Davao.
“I used to play in a hotel called Apo View Hotel, way back then. Alternate band nila kami, sila ‘yung import na banda noon, may panahon na nagpapadala ng banda from Manila ‘yung management of Apo View and then kami ‘yung main stay na…house band kami.
“Madalas akong mag-cut ng classes para manood lang ng ensayo nila. It was a learning experience for me.
“Talagang solid na solid ‘yun for my musical knowledge, ‘yung time na ‘yun.”
Bakit ngayon lang sila nagkaroon ng collaboration ng mahusay na female singer?
“Both busy kasi ‘yung mga career namin,” paliwanag ni Jay, “hindi namin naisip… ako naisip ko baka noong early days pa, pero noong mga later part na ng South Border medyo nagiging iba na rin ‘yung direksiyon.
“So parang noong naisip nga si Ella May, ‘Oo nga, ‘no, si Ella May!’
“Pero wala siya rito. So ‘yung parang mahirap ‘yung access, tapos makakalimutan mo na naman ‘yung concept, buti na lang ngayon natuloy.”
Magaganap sa Nobyembre 9 sa The Theater at Solaire, 8:00 p.m., ang Soundtrip Sessions Vol. 3 na mula sa Dragon Arc Events Management.
Ano ang aabangan ng music lovers sa concert nila?
“Actually, the fact na kasama namin si Ella Mae ano na kami roon eh, ibang chemistry na kaagad ‘yun.
“Kasi for the longest time puro mga… puro mga berdugo ‘yung… sa South Border puro lalaki, ngayon, may female element sa show.
“Maraming puwedeng gawin, may mga duet, may mga classic hits from the 80s, 90s, iyon ‘yung tayo eh. ‘Yung mga panahon natin, so it’s very comfortable to sing any iconic hit, whatever you call it.
“‘Yung mga na-LSS tayong mga love song before, pipilitin naming gawin ni Ella na with justice.”