Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ice Seguerra Bini SB19

Ice Seguerra kakaririn Salamin, Salamin ng Bini at Gento ng SB19

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KAKAIBANG pasabog ang muling matutunghayan sa muling pagtatanghal ni Ice Seguerra sa Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition: Isa Pa. Ito ay ang paghataw niya ng mga awitin ng SB19 at BINI.

Excited na ang award-winning OPM icon sa Kaya naman ganoon na lamang ang excitement ng singer sa repeat ng kanyang hit concert na magaganap muli sa Music Museum sa November 8. Handog ito ng Fire And Ice Entertainment at Fire And Ice Live na ididirehe mismo ni Ice kasama ang asawang si Liza Diño bilang Creative Director at Ivan Lee Espinosa bilang Musical Director.

Ani Ice, nahirapan siyang kantahin ang Salamin, Salamin ng BINI at Gento ng SB19.

Hindi ko na-anticipate ‘yung pagod pagdating ng ‘Salamin, Salamin.’ Buti nalang may back-up dancers at saka back-up vocalists. Ngalngal-kabayo talaga ako,” nakangiting pag-amin ni Ice nang matanong kung anong kanta ng all female group ang medyo nahirapan siya.

“Hindi ko na siya makanta nang maayos. So, I really have to pace myself. Lagi ko naman dala ‘yung gamot (para sa hika) ko eh so, anytime naman kailangan ko, madali na,” dagdag ni Ice.

Alam mo ‘yung may mga ganoong kailangang iwasan, eh. Pero, finally, nang ginawa nga namin ‘yun, sobrang saya.

“Kasi parang, ang daming naki-birthday sa akin. Alam mo ‘yun? Tapos, nakatutuwa kasi talagang ang bilis lang naubos ‘yung ticket. Sobrang nagulat din kami na…siguro parang, oh, birthday gift natin kay Ice, ito.

“Tapos, iba ‘yung energy. Iba ‘yung energy noong night na ‘yun. Again, hindi ko na naman nararamdaman na tatlong oras na pala.”

Naging dagdag kasiyahan naman kay Ice ang pagkakaroon ng motor na regalo ng asawang si Liza.

“Tapos ‘yun nga, binigyan na ako ng asawa ko (Liza) finally ng motor. Sabi ko nga sa kanya eh, ‘alam mo ba, Love, ikaw, lang talaga nagpatotoo ng pa­ngarap ko. Kasi bata pa lang ako, pangarap ko na ‘yan,’” pagbabahagi pa ni Ice.

Sa mga gustong manood muli ng Ice Seguerra Videoke Hits OPM Edition: Isa Pa, sa November 8. Para sa ticket sa mag-text lamang sa 0917-7003262 at sa Fire and Ice Live (0917-5420303) o mag-inquire sa Ticketworld.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …