Friday , November 22 2024
PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan ng Batanes nitong Miyerkoles ng gabi, 30 Oktubre, dahil sa patuloy na paglapit ng Super Typhoon Leon (international name: Kong-Rey) sa dulong bahagi ng hilagang Luzon.

Ayon sa PAGASA sa kanilang 11:00 PM typhoon bulletin, nararanasan ng Batanes ang matinding hagupit ng bagyong Leon.

Sa ilalim ng Signal No. 5, maasahang makararanas ng malalakas na hanging may bilis na lagpas ng 185 km/h, na malaking banta sa mga buhay at mga ari-arian.

Samantala, nananatiling nakataas ang Signal No. 4 sa natitirang bahagi ng Batanes.

Huling namataan 10:00 kagabi ang bagyong Leon 140 kilometro silangan ng Basco, Batanes, na gumagalaw patungong hilagang kanluran na may bilis na 15 km/h — mas mabagal nang kaunti sa nauna nitong bilis na 20 km/h.

Patuloy itong nagdadala ng hanging may bilis hanggang 185 km/h at bugso hanggang 230 km/h.

Nakataas ang Signal No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

  • Silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.,)
  • Hilagang silangang bahagi ng mainland Cagayan (Sta. Ana)

Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Natitirang bahagi ng Babuyan Islands
  • Natitirang bahagi ng mainland Cagayan
  • Hilagang bahagi ng Isabela (Sto. Tomas, Sta. Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon, Gamu, Burgos, Roxas, San Mariano, Reina Mercedes, San Manuel, Naguilian, Benito Soliven)
  • Apayao
  • Hilagang bahagi ng Kalinga (Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
  • Hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
  • Ilocos Norte

Nakataas ang Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Natitirang bahagi ng Isabela
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Natitirang bahagi ng Abra
  • Natitirang bahagi ng Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Benguet
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Sto. Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Sta. Maria, Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Sta. Barbara, Balungao, Sison, Rosales, Daso)
  • Hilaga at silangang bahagi ng Nueva Ecija (Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Sto. Domingo, Llanera, Science City of Munoz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon)
  • Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag)

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad na magkaroon ng daluyong o storm surge sa susunod na 48 oras na maaring lumagpas nang tatlong metro sa mga mababang lugar sa Batanes at Babuyan Islands. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …