Saturday , April 12 2025
Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang isa sa most wanted persons sa talaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na sangkot  sa pagpaslang sa isang konsehal ng Las Piñas City, sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Bulacan

Sa ulat kay QCPD Acting District Director, PCol. Melecio Buslig, Jr., ang suspek na si Allan Baisa Bagatua, alyas Dennis, 57-anyos, residente sa Barangay South Muzon, San Jose del Monte, Bulacan ay sangkot sa pagpaslang kay Las Piñas City Councilor Edgardo Jimenez noong 1993.

Ayon kay Buslig, nitong 29 Oktubre 2024 dakong 8:30 PM, nagsagawa ng operasyon ang DID katuwang ang PNP Intelligence Group, Regional Intelligence Unit PRO4A, at PRO 3 Regional Intelligence Division, makaraang makakuha ng impormasyon hinggil sa pinagtataguan ni Bagatua.

Armado ng warrant of arrest, naaresto si Bagatua nang salakayin ng mga operatiba ang pinagtataguan ni Bagatua sa Australia St., Barangay South Muzon, SJDM, Bulacan. 

Ang warrant of arrest laban kay Bagatua ay nagmula sa Branch 275 ng Las Piñas Regional Trial Court para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Ipinagbigay alam na ng QCPD sa korte ang pagkakadakip kay Bagatua.

“I am immensely proud of our officers and their unwavering dedication to public safety. Their commitment to justice exemplifies the QCPD’s core mission to safeguard the community and uphold the law without compromise,” pahayag ni Buslig. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …