Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Larena Siquijor

Larena, Siquijor budget officer, 5 BAC members, suspendido ex-mayor kasama sa inireklamo

PINATAWAN ng isang taong suspensiyon ng Office of the Ombudsman Visayas ang municipal budget officer ng bayan ng Larena sa lalawigan ng Siquijor kasama ang lima pang miyembro ng bid and awards committee (BAC) ng naturang  bayan.

Ito ay sa bisa ng inilabas na desisyon ng Office of the Ombudsman-Visayas noong 4 Setyembre 2024.

Nag-ugat ito sa isang online letter of complaint na isinumite ng isang Darel Ybañez sa opisina ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng presidential compaint center noong 9 Enero 2022.

Nakasaad sa naturang liham ang  anila’y iregularidad  na nangyayari sa bayan ng Larena, Siquijor.

Kasama rito ang  sinabing anomalous procurement ng bigas mula sa Ronkz System Solutions sa kabila ng pagiging ineligible supplier nito.

Ang Ronkz System Solutions ay nauugnay sa pagbebenta ng mga office and school supplies ngunit sa kanila iginawad ang kontrata na may apporoved budget na P198,000 noong Disyembre 2018.

Ayon kay Ybañez, isa ang kanyang ina sa mga nabigyan ng bigas ng Larena LGU.

Ngunit imbes 50 kilo o isang sako ang dapat  matanggap ng mga senior citizen sa lugar ay naging limang kilo na lamang.

Bukod dito, may mga wheelchair din umano na dapat ipamahagi ang LGU sa mga nagangailangang senior citizens.

Ngunit nang bigayan na, walker at hindi wheelchair ang ipinamahagi.

Dito na umano naglakas loob si Ybañez na magreklamo para matigil na ang mga anomalyang nangyayari sa kanilang lugar.

Sa inilabas na desisyon ng Ombudsman, nakasaad na… “The respondents, all from the Municipality of Larena Siquijor, are guilty of grave misconduct and meted the penalty of suspension for one year.”

Kasama sa mga respondents ang mga sumusunod: Clifford Quillicot, Municipal Budget Officer; Rito B. Abapo, Municipal Planning and Development Officer/BAC Vice Chairman; Jorge A. Arcaya, Municipal Agriculturist/BAC Chairman; Cristino C. Sister, Jr., Municipal Engineer/BAC Member; Ellson A. Calibo, Jr., ICO-Municipal Treasurer/BAC Member; at Micheal P. Araya, BAC[1]TWG.

Kabilang ang dating mayor ng Larena na si Dean Samson Villa sa mga inireklamo.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang naturang reklamo sa Sandiganbayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …