Sunday , December 22 2024
Nora Aunor Boss Toyo

Ate Guy nagbenta ng gamit para itulong sa mga biktima ni Kristine

HATAWAN
ni Ed de Leon

SI Nora Aunor naman, inilabas ang damit niyang ginamit noong manalo siya sa Tawag ng Tanghalan at ipinagbili roon kay Boss Toyo

Ginawa raw niya iyon para may maibigay naman siyang tulong sa mga nasalanta ng baha. Kung iisipin mo, magkano na lang ang halaga niyon? Mabuti nga pinresyuhan pa ng mataas ni Boss Toyo, eh dalhin mo iyon kay Eloy baka sabihin sa iyo P20 lang. 

Pero isipin ninyo ano, naisip pa rin ni Nora na tumulong sa kapwa niya kahit na siya man ay nangangailangan din ng tulong.

Matagal na siyang walang pelikulang naipalalabas sa sinehan. Iyong isa niyang pelikulang Mananambal ba iyon, na parang support lang siya ni Bianca Umali dahil mas malaki ang pangalan ng batang aktres sa billing at mukha ni Bianca ang nasa poster at parang isiningit lang ang mukha niya sa background niyon. Hindi pa yata nila isinumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sana ay nakakuha sila ng sinehan. Eh kaso mukhang ganoon na rin naman ang festival, kung hindi ka kumikita aalisan ka rin ng sine. Hindi ba nangyari na rin sa kanya iyan in the past, hindi pa tapos ang festival nawala na ang sinehan nila at ibinigay na sa ibang pelikula.

Pero at least ha, naisipan ni Nora na tumulong sa mga biktima ng kalamidad. Hintayin natin kung ano ang gagawin niyang tulong.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …