PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
‘YUNG mga nagmamaktol na supporters ni Nora Aunor, manong magtigil na nga po kayo sa kaku-complain at kakagamit ng socmed para mam-bash at mamintas sa naturang 10 official entries.
Ang ending kasi, sa idol ninyong si Ate Guy lumalatay ang mga pamimintas at tila lalo na kayong nagiging “delulu” porke’t hindi na naman nakapasa sa standard ng Metro Manila Film Festival (MMFF)selection committee ang sinasabi ninyong entry ng inyong idol.
Siya tuloy itong tumatanggap ng ‘bad karma’ nang dahil sa mga panlalait at paggamit ninyo ng social media para pintasan, akusahan at tawagin kung ano-ano ang ibang mga artista, lalo na si Vilma Santos na obvious namang kinaiinggitan ninyo ang lahat ng achievements nito sa buhay.
Ipagdasal na lang ninyo si Ate Guy. At higit sa lahat, uulitin namin, suportahan na lang ninyo ang mga proyekto nito para may mga producer, direktor, at mga artista pa ring gusto siyang makatrabaho noh.
Panay ang puri ninyo na siya ang the greatest, the best sa mga international festivals sa five continents, NA, etc, etc, pero nang dahil sa pagiging toxic ninyo, nawawalan ng saysay ang mga iyan. Ang hilig ninyong mamintas, kulang naman kayo sa suporta at matino at disenteng mga gawa?
Ayan tuloy kay ate Guy lumalatay ang lahat.
Poor ate Guy!