HATAWAN
ni Ed de Leon
TALAGA namang sa ngayon isa si Kobe Paras doon sa mga eligible bachelor na hahabulin ng mga babae. Sikat, matangkad, magaling na basketball player, at higit sa lahat pogi. Kumbaga, si Kobe ngayon ang parang Francis Arnaiz noong araw.
Aba kung titingnan mo mas pogi pa si Kobe kaysa maraming mga artistang lalaki natin. Iyong hitsura ni Kobe, puwede mong ihanay kina Richard Gomez, Aga Muhlach, Gabby Concepcion at iba pang matinee idols. Kung hindi lang luminya sa basketball iyan, tiyak sikat na artista na rin iyan ngayon.
Kaya nga may nagbiro raw sa kanya minsan, “kaya sa pogi mong iyan, dapat ang naging girlfriend mo ka-level ni Kris Aquino o Sharon Cuneta.” Hindi raw pinansin ni Kobe ang nag-comment at tapos sinabing ayaw niyang nababatos o minamaliit ang kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara.
Oo nga naman, sino ang may karapatan na maliitin ang isang tao?
At natural mag-react ng ganoon si Kobe kasi girlfriend niya iyon. Kami man kung may syota at pagsasabihan ng ganoon, baka mamura pa namin ang nagsabi niyon. Kung minsan mas masakit tanggapin iyong may sinasabing hindi mganda sa syota mo kaysa iyo. Kung ikaw lang ang sasabihan ng hindi maganda, makakapagpasensiya ka pa eh. Pero iyong syota mo pagsabihan nang hindi maganda at sa iyo pa mismo sinabi, mahirap tantiyahin iyon.