Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Nadine Lustre Aga Muhlach Uninvited

Vilma, Nadine, Aga panggigigilan at magbibigay tensiyon sa Uninvited 

ISA pa sa kaabang-abang sa darating na 50th Metro Manila Film Festival ay ang pelikula nina Vilma Santos, Nadine Lustre, at Aga Muhlach, ang Uninvited na pambato ng Mentorque Productions(prodyuser ng Mallari) kasama ang Project 8 Projects at idinirehe ni Dan Villegas at isinulat ni Dado Dayao.

Ang Uninvited ay isang supense-drama-thriller na sinasabing tatatak sa manonood dahil s akakaiba at naklolokang tema at kuwento. Idagdag pa ang sagupan sa galing umarte ng mga bidang sina Ate Vi, Nadine, at Aga. Talaga namang wala kang itatapon sa kanila. Panalo lahat ‘ika nga.

Kaya naman napaangat kami mula sa aming kinauupuan nang ipakita ang unang trailer ng pelikula dahil doon pa lang ay mapapaisip ka na kung ano ba talaga ang role nina Ate Vi, Nadine, at Aga. Misteryoso kasi. 

Isa ang pelikulang Uninvited sa hinuhulaang hahakot ng award sa Gabi ng Parangal at posibleng maging blockbuster.

Kasama rin sa pelikula ang iba pang artistang iginagalang at hindi rin matatawaran ang galing tulad nina Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Elijah Canlas, Gabby padilla, RK Bagatsing, Lotlot De Leon, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, at Ron Angeles.

Ang pelikula, paglalarawan ng mga producer, “chilling, mysterious, and full of tension. Viewers are transported to an opulent mansion where a billionaire’s lavish birthday celebration spirals into a night of socialite intrigues, buried secrets, and shocking revelations.”

Kaya ‘wag palampasing hindi mapanood ang Uninvited, ang most highly anticipated film of the year. Ito’y mula sa pagsasanib-puwersa ng Mentorque producer na si Bryan Diamante, director-producers Antoinette Jadaone at Dan Villegas. Kasama rin sina Reign De Guzman, Omar Sortijas, at Catsi Catalan bilang mga supervising producers, habang ang blockbuster director naman na si Irene Villamor ang creative producer.

Ang bongga! Kaya  k eep an eye out for more exciting revelations and surprises bago pa man ang release ng pelikulang ito sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …