Sunday , December 22 2024
Vilma Santos Aga Muhlach Nadine Lustre

Uninvited ni Ate Vi tapos na, masali kaya sa MMFF?

HATAWAN
ni Ed de Leon

IYONG sinasabi nilang finished film na isusumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF), sinasabing hindi naman talaga finished product. Ang sinasabi nilang “finished film” ay maaaring hindi pa nalalapatan ng musika, may pagkakataon ding muli pa iyong dadaan sa editing, o may iba pang kakulangan, kaya lang kailangang buo na ang pelikula para makita ng screening committee ang pagkakagawa niyon, at hindi gaya ng naunang apat na pelikula na batay lamang sa kuwento o script, at casting ng pelikula.

Ibig bang sabihin kung ganoon ay posibleng makahabol ang pelikulang ginawa ni Vilma Santos sa MMFF dahil tapos na naman ang shooting nila ng pelikula?

Iyan ang hindi ko alam dahil wala naman kaming naging usapang ganyan. Minadali kong tapusin ang pelikula dahil kailangan ko namang harapin ang mga bagay-bagay na kailangan naming harapin sa Batangas. Isa pa sinasabi ko nga sa kanila na maaapektuhan iyon ng media ban kung aabutin ng February 10. Basta inabot iyan maipalalabas na nila iyan sa May pagkatapos ng eleksiyon. 

“Pero sa bagay ang media ban naman sa akin ay sa Batangas lamang, puwede siya sa ibang lugar. Pero mas mabuti na ngang mailabas bago iyon para wala nang problema.

Honestly iyon lang ang alam ko. Kung ihahabol nila para makasali sa MMFF dahil nag-extend naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng deadline,desisyon na ng producers iyon at kung makatatapos nga si direk.

“Pero matagal nang buo ang pelikula namin, hindi nga lang ako sigurado kung rough edits pa iyon o kung nalapatan na ng musika. Basta naman kasi nasa post production na, wala na akong nalalaman except kung kailangan na lang ako para mag-dub, kung may sound na hindi maganda. Kasi ngayon naman ang ginagamit na ay wild sound dahil mas makatotohanan, kaysa roon sa dating ginagawang dubbed lahat. Kung dubbed lahat, maganda at malinaw ang lahat ng dialogues pero hindi naman natural ang dating, at saka mas matrabaho siyempre iyon para sa amin. 

“Dito sa ‘Uninvited’ alam ko gagamit kami ng wild sound. Kaya kung hihingan sila ng kopya ng pelikula, mayroon na. Baka nga lang wala pang music o kung ano pa ang kulang pero puwede na iyong panoorin sa kabuuan.

“Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko inaasahan iyan sa MMFF, ang iniisip ko mailalabas iyan ng January pagkatapos ng festival. Iyong January magandang playdate iyan. Natatandaan ko noong araw, gusto nilang ilabas ang mga pelikula ko ng January at lahat ng pelikula naming inilabas ng bagong taon, malakas. Pero kagaya nga ng sinasabi ko, artista lang ako riyan, ang producer ang masusunod kung kailan nila gustong ipalabas iyan,” sabi ni Ate Vi.

Ngayon kasi ay kumakalat na sa social media ang advertising layout ng pelikula.

Iyong parang poster? Matagal na iyon. Bago kami nag-shooting nag-pictorial na kami para roon. Shooting pa lang ipinakita na nila sa akin  iyon eh.  My nagawa na nga silang trailer ng pelikula namin. Habang gingawa namin  ang pelikula nina direk Dan (Dan Villegas) may ginagawa na rin naman si direk Antoinette Jadaone, na katulong din sa aming pelikula. Ewan kung tama ako, siya yata ang nagbuo ng trailer. Kaya nga nasa shooting pa kami may ipinakita na sila sa aking trailer.

“Hindi naman sa ayaw kong sumali sa festival, ang sinasabi ko lang ayoko niyong may pressure na kailangan naming tapusin ang pelikula para sa festival. Pero kung matatapos nga ba nila ang kabuuan in time, at mapili naman kami, ok lang sa akin iyon. Sa ngayon ang sinasabi nila, ang maglalaban daw sa festival ay sina Vic Sotto at Vice Ganda, na parehong comedy. Baka nga mganda ring pumasok dahil kami naman thriller-drama ang genre. Magkakaroon naman ng pagkakaiba.

“Iyong promo kung sakali hindi naman problema, ok naman sina Aga (Muhlach) at Nadine (Lustre). Ako naman magkakampanya lang sa February pa, kaya maluwag pa ang schedule,” sabi ni Ate Vi.

Kung makahahabol man sila o hindi na, malalaman na lang natin kung maideklara na ang mga pelikulang kasali sa MMFF.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …