Sunday , December 22 2024
Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Sa instigasyon ni dating PNP chief, Sen. Bato  
SENATE PROBE SA DUTERTE DRUG WAR PINAGDUDAHAN

DUDA si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr., co-chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na magiging patas si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa isasagawa nitong imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, na makokompormiso ang integridad ng imbestigasyon dahil kilalang malapit si Dela Rosa kay Duterte.

“I would think that he (Dela Rosa) would be more biased than actually balanced in that hearing,” ani Abante sa isang press conference sa Kamara de Representantes nitong Miyerkoles.

Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang ipatupad ni Duterte ang madugong war on drugs na libo-libo ang biktima ng extrajudicial killings (EJK).

Hindi si Dela Rosa ang most senior official ng PNP nang italaga ni Duterte bilang hepe ng pambansang pulisya.

Naunang sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado sa war on drugs at iimbitahan si Duterte.

Sa kabila ng kanyang pagkakasangkot sa implementasyon ng war on drugs, sinabi ni Abante na isang welcome development ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado dahil makatutulong ito sa imbestigasyong isinasagawa ng Quad Comm.

“In fact, sabi ng Bible, two is better than one. E ‘di partner na kami ng Senado when it comes to investigation,” sabi ni Abante.

Ani Abante, si Duterte ang magdedesisyon kung pupunta sa pagdinig o hindi.

“It’s up to him actually… Hopefully, he will come and say what he would like to say,” dagdag ng mambabatas.

Nakapagsagawa na ng walong pagdinig ang Quad Comm at lumutang ang pangalan ni Duterte sa pagbibigay ng reward para sa mga pulis na nakapatay ng drug suspect.

Ang nagsiwalat nito ay si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired PNP colonel Royina Garma na kilalang malapit kay Duterte at umamin na inutusan ng dating Pangulo na maghanap ng mamumuno sa implementasyon ng Davao model war on drugs sa buong bansa.

Kung hindi man dumalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Abante na kanilang babantayan ang pagdinig ng Senado.

“Whatever he will say, babantayan namin nang maigi ‘yan,” sabi ni Abante.

Iniimbestigahan ng Quad Comm ang kaugnayan ng ilegal na Philippine offshore gaming operators (POGOs), sa kalakalan ng ilegal na droga, at extrajudicial killings sa pagpapatupad ng Duterte war on drugs. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …