Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Mystery Man, male star

Male starlet mahilig manood ng BL series dahil kay supporting actor

ni Ed de Leon

INAMIN ni male starlet na totoong nanonood siya ng isang BL series, pero ang crush daw niya roon ay hindi iyong mga bida na duda siya sa gender, kundi isang supporting actor sa seryeng iyon. Pogi nga ang supporting actor na  assistant director din daw, pero iyon pala ay syota na ni direk.

Itong si male starlet kilala rin naman ni direk dahil naging artista niya ito sa isang nauna niyang BL series.Pero noon ay hindi pa niya nadi-discover ang poging aktor na assistant director din niya ngayon. Pero hindi na makapapasok diyan ang male starlet. ‘Yong poging supporting actor na type niya at kung kanino siya naunahan ni direk, kulukadidang din pala ng isa sa mga bida sa nasabing BL series.Iyong pogi ring bida, madatung daw iyon dahil kulukadidang naman ng isang gay politician.

At siyempre nababahaginan ng datung niya ang poging supporting actor kaya sumasama rin sa kanya sa dates. Na alam naman ninyo kung ano rin ang kasunod. Eh paano nga makasisingit ang male starlet eh wala naman siyang datung? Isa pa, matanda na rin siya, mukha lamang bata.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …