Sunday , December 22 2024
Metro Manila Film Festival, MMFF

31 pelikula nakapila sa MMFF 2024

HATAWAN
ni Ed de Leon

TATLUMPU’T ISANG finished films na raw ang naisumite sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para mapagpilian sa mga natitira pang slots sa festival. Pero walang tunog kung anong mga pelikula iyon. Kung hindi iyan commercially viable, ewan kung ano ang gagawin nila. 

Kung ang mangyayari ay puro low buget indie na naman, bahala sila. Wala kaming naririnig na malaking pelikulang ginagawa nitong mga nakaraang buwan, kaya malamang sa hindi mga indie na naman ang mga pelikulang iyan, which may balolang na naman sa MMFF. Dapat madala na sila. Minsan na silang nangamote nang mapasok sila ng puro indie. Nakahihiya  naman na kung kailan 50 years na sila at saka mangamote ulit.
            

Wala na si Manay Ichu na nakaaalam ng pulso ng masa para pumili ng mga pelikula. Wala na rin si Mother Lily Monteverde na alam kung ano ng mga pelikulang dapat sa festival. Wala na rin si Atty Esperidion Laxa. Kung sa bagay may mga naiwan pa naman. Nariyan pa rin sina Jessie EjercitoBoots Anson Rodrigo at iba pang haligi ng industriya ng pelikula. Pero kung puro low budget na indie nga ang darating, ano ba ang magagawa nila?

Sana naman may dumating na maaayos na pelikula. Maganda na naman ang festival last year. Huwag na nilang payagang bumagsak pa ulit.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …