Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
KD Estrada Alexa Ilacad Kim Ji Soo Mujigae

KD Estrada todo-suporta kay Alexa; Kim Ji Soo ‘di pinagselosan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MADALAS magka-usap sina KD Estrada at Alexa Ilacad hindi man sila magkatrabaho o hindi nagkikita. Kaya naman updated sila sa mga ganap ng isa’t isa.

Ayon kay KD nang makausap namin ito sa Blue Carpet premiere ng Mujigae na pinagbibidahan ni Alexa kasama sina Kim Ji Soo at Ryrie Sophia na palabas na ngayon sa SM Cinemas na madalas silang mag-message at magka-usap noong nagsu-shoot ang dalaga ng pelikula.

She message me a lot and we’re always communicating noong lock in taping niya nitong movie at nasabi niyang pagod na pagod siya (ito kasi ang pinaka-emotional movie ni Alexa).

“And I just want to be there to support her dahil alam kong sobrang nakakapagod ang gumawa ng movie. I know it takes more energy out of you and the least thing I could do is to message her and to come here to support her,” anang binata.

Sinabi pa ni KD na okey lang na minsan ay kanya-kanya silang trabaho o hindi magkasama sa isang project. Ang mahalaga ay nagsusuportahan sila.

Our individual growth is always something I advocate for specially if you’re being in a partnership kasi you can’t compete in a partnership if you can’t compete yourself.

“And I think it helps your insecurity, hindi ka magseselos, hindi ka magiging insecure whenever she’s doing another thing. And it strengthen as together, as a partner.”

Iginiit din ni KD na hindi siya nagselos sa Korean actor na kasama ni Alexa, si Kim Ji Soo.

No, no, no. Idol ko si Ji Soo and marami rin akong idol na mga Korean actor. I really look up to them in terms of acting and and ‘yung style nila,” nakangiting sabi pa ni KD.

Ukol naman sa dapat abangan sa KdLex, sinabi ng binata na katatapos lang nilang mag-shoot ng music video sa Hong Kong para sa kanyang kantang Be With You for Hong Kong Tourism in collaboration with ABS-CBN Music na out na ngayon.

Bukod kay KD, nakita rin naming sumuporta kay Alexa ang kaibigang si Charlie Dizon na super excited sa pelikula ng kaibigan. Dumating din si Cedrick Juan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …