ni Ed de Leon
MAY ambisyon din naman daw ang isang male starlet na pumasok sa politika. Pero dahil sa wala pa naman siyang nagagawa kundi mga BL series, ang balak daw niya ay sa barangay na lang muna, sa SK na tama naman.
Pero nagalit daw ang isang mataas na government official at sinabi sa kanya, “huwag ka nang pumasok diyan. Hindi mo naman alam iyan at saka lahat naman ng gusto mo ibinibigay ko na sa iyo.”
Oo nga naman, hindi lang pala lahat ng kailangan kundi “lahat ng gusto” niya ay ibinibigay na, kagaya ng bahay at sportscar, bakit pa nga ba siya papasok sa politika? Eh kung dahil doon ay maungkat pagdating ng araw ang relasyon nila ni gay politician, ‘di eskandalo pa. Nakita ninyo ngayon ang mga kabit-kabit ay nabubuko na at naiimbestigahan na ng kongreso. Kaya dapat ingat din dapat walang paper trail ang mga koneksiyon at huwag nang gagawa ng joint account sa banko. O ‘di ba?