Sunday , December 22 2024
Aljur Abrenica

Aljur tatakbong konsehal sa Angeles City

HATAWAN
ni Ed de Leon

ISA pang nakaaaliw, nagsumite rin ng kanyang COC bilang konsehal si Aljur Abrenica para sa Angeles City. Natira naman sila noong araw sa Angeles, kaya nga kilalang-kilala siya roon lalo sa may Diamond Subdivision na sinasabing “marami siyang kaibigan.” Isa pa, inaasahan siguro niyang makatutulong ang syota niya ngayon, si AJ Raval na kapampangan din. 

Pero bago iyan, si Aljur ay nag-migrate na sa Batangas na may isang resort na siyang negosyo nang tumagilid ang kanyang career bilang isang artista.

Hindi naman siya kinontra ng hiniwalayan niyang asawang si Kylie Padilla. Sinabi lang ni Kylie na bago ang isang tao ay makapaglingkold sa iba, dapat matuto muna siyang ayusin ang kanyang pamilya. Pero maaaring sabihin ni Aljur na dapat sinabi iyan ni Kylie sa tatay niya.

Kung sa bagay, konsehal lang naman ang tatakbuhan ni Aljur. Pero ang trabaho ng isang konsehal ay gumawa rin ng batas. Mga ordinansang ipatutupad nila sa kanilang lunsod. Hindi simpleng trabaho iyan, ginagamitan ng utak iyan. May karanasan ba si Aljur sa paggawa ng batas? Kabisado ba niya ang mga ordinansa, o kumandidato lang siya dahil sa paniwalang sikat siya at iboboto ng mga tao? Sayang, wala na ngayon si Alfie Lorenzo at maging ang naging alalay niyang si Angelica. Umalis na rin sa Angeles City si Eddie Littlefield at Fernan Sucalit at lumipat na sa Pasay sana mahihingan natin sila ng opinyon sa pagtakbo ni Aljur. Pero siguro naman may attorney na tutulong sa kanya sa paggawa ng ordinansa sakali’t manalo siyang konsehal.

About Ed de Leon

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …