SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
MATAGAL bago muling nakagawa ng pelikula ang Uxs (Unitel x Straightshooters) at sa kanilang pagbabalik isang makabagbag-damdaming istorya ukol sa pamilya ang hatid nila sa manonood, ang Mujigae (Rainbow) na pinagbibidahan nina Alexa Ilacad, Korean actor Kim Ji-soo, at ang bagong mamahaling bagets, si Ryrie Sophia na mapapanood sa Oktubre 9, 2024 sa mga sinehan.
Nakatutuwa rin ang tinuran ng prodyuser na si Ms Madonna Tarrayo na, “I believe every film deserves to be seen in cinemas. It’s still the go-to screen for films and that’s what we’ve aimed for with Mujigae — to make a film that feels both expansive and intimate, to create a truly cinematic experience.”
Bakit nga ba hindi, sa 37 taon nilang experience sa pagpo-prodyus mahalaga sa kanila iyong relevant across all digital platforms.
“We are always watching out for new trends, and we continue to be there — whether it’s an ad, a series, a film, or any form of digital content,” susog pa ni Tarrayo.
Ang Mujigae ani Tarrayo ay nagpapaalala ng mga personal na pagmumuni-muni ukol sa pamilya. Tulad niyang galing sa isang closely-knit family, ang mensahe ng pelikula ay ukol sa nahanap na pamilya sa hindi inaasahang lugar na lubos na sumasalamin sa kanya.
“While I come from a family that loves and accepts each other despite our flaws, I’ve also accepted that not all families are created equal. Family can come from anywhere
— friends, co-workers, even pets. That’s what Mujigae means to me,” sabi pa ni Tarrayo na bilang isang producer, na nagsusulong para sa mga kwentong nag-e-explore sa mga bahid at bitak ng mga emosyon ng tao na tumutuon sa kung paano gumagaling ang mga emosyon sa pamamagitan ng koneksiyon.
“Mujigae, our little hero, is that connection. Her love and resilience will bring people together,” paliwanag pa ng prodyuser.
Ang Mujigae 무지개ay para sa mga ina at para sa mga nagnanais maging ina at sa mga piniling magpaka-ina.
Ito ay ukol sa isang batang naulila sa edad, si Mujigae (Ryrie Sophia) na nahanap ang matagal nang inaasam na makasama at maramdaman ang pagmamahal ng isang ina sa pamamagitan ng kanyang tiyahing si Sunny (Alexa Ilacad). Kasama rin dito ang Korean actor na si Kim Ji-soo na parte na ng GMA’s Sparkle roster.
May special participation dito ang Kapuso comedienne na si Rufa Mae Quinto at idinirehe ang pelikula ni Randolph Longjas. Kasama rin sa pelikula sina Richard Quan, Kate Alejandrino, Donna Cariage, Cai Cortez, Roli Inocencio, Anna Luna, Lui Manansala, Peewee O’Hara.
Samantala, nakakuha agad ng million views sa unang linggong pagpapakita ng trailer ang pelikula. Ipinakikita sa trailer ang heartwarming journey kung paano ang pagmamahal ng isang bata ay maaaring pagalingin ang mga nasirang pagbubuklod na nagpapatingkad sa pagbabagong kapangyarihan ng inosente at unconditional love.
Ipinakita rin kung paano nagtaray si Alexa nang mapunta sa kanya ang pangangalaga ng pamangkin. Aniya, “Gagawa-gawa ng bata, ta’s ipapaalaga sa iba!”
“Choice ko: ayoko ng bata! Ayokong magkaanak. Ayoko sa responsibilidad. At ayoko talaga sa bata!”
Pero dahil sa sitwasyong ito, rito napagtanto ni Alexa ang kagandahan ng buhay sa piling ng pamangking si Mujigae.
Maraming tagpo na talaga namang makabagbag-damdamin kaya ang mga reaksiyon ng netizens, “Nakaiiyak!”
“Trailer pa lang, naluha na ako! Gosh! Pa’no pa kaya kung pinanood ko na ang buong movie? Need ko ng madaming tissue niyan!”
Marami rin ang pumuri sa galing ng acting ni Alexa at sinasabing posibleng magwagi ng acting award ang aktres.
Ang Mujigae naman ang magmamarka sa pagbabalik sa paggawa ng full-length film ni direk Randolph.
“It’s been a while since I made a full-length film, and to be honest, I’m overwhelmed with emotions. This project means a lot to me,” anang direktor.
Kaya naman ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa kanyang team, aniya, “Together, we moved mountains to bring this story to life and saw the ‘mujigae’ (rainbow) at the end of it.”
Umaasa rin si direk Randolph na makaka-konek ang mga manonood sa pelikula. “I think viewers will go through a rollercoaster of emotions depending on where they stand on having kids is not are foll you when to laugh or cry, but l promise there will be moments that resonate deeply.”